CHAPTER 27

22 1 0
                                    

KYLE

Hindi ko maiwasan na mapangiti habang pinapanood si Nico na makipaglaro sa mga bata dito sa orphanage. Sinong mag-aakala na ang isang lalaki na katulad niya ay mapapaamo at mapapasaya ang mga bata, nakuha niya pang makipaglaro sa mga ito ng mga laro nilang pambata.

Sa pagkakaalala ko ay hindi naman mahilig sa mga ganitong klaseng larong kalye si Nico, pero ngayon, nakakatuwang isipin na nakakikipaghabulan siya ng taya sa mga bata.

Pero siyempre hindi maaalis sa aking tingin ang itsura niyang kahit pawis na pawis na ay sobrang gwapo pa rin. Yung tipong kahit ang pawis niya ay ang bango bango, naamoy ko kasi kanina noong lumapit ako para bigyan sila ng tubig at mga biscuit.

Tagaktak na rin ang pawis ang kaniyang buhok at wala na rin ito sa kaninang ayos, nakakapagtaka nga kung iisipin paano pa siya mas lalong gumwapo sa kadungisan ng itsura niya ngayon.

Napailing nalang ako at hinayaan sila sa playground na maglaro. Pumasok ako sa loob at nagtungo sa kusina ng lumang mansyon.

I still vividly remember the time I was here noong bata pa lang ako. My grandmother will always brings me here everytime na pumapasyal siya dito sa orphanage. At siyempre bilang bata, nakahiligan ko na rin na makipaghalubilo sa mga batang tumutuloy dito sa ampunan. Isa na sa mga dati kong kalaro ay si Stephanie, na ngayon ay isa ng volunteer dito paran tumulong sa pagpapatakbo ng bahay ampunan.

Nakita ko si Stephanie na naghahalo ng pagkain sa malaking kawali kasama ang ilan sa mga tagaluto rito. Pagkapasok ko ay tumingin kaagad sila sa akin at yumuko para batiin ako. Sa totoo lang, hindi ko naman talaga gusto ang ganitong masyadong maharlika na treatment. Sadyang nasanay nalang din ako dahil nga sa lumaki ako sa isang aristokratikong pamilya. They have always thought me how to be prim and proper, regardless of any occasion and people that I will meet, ay dapat marunong akong maging presentable tignan.

Pero kahit na ganoon na nga ang kinalakihan ko ay minsan naiilang pa rin ako tuwing may nagtatrato sa akin na parang ang taas taas kong tao. At sa lahat ng taong nakilala ko ay isa si Stephanie na tinignan ako at pinaramdam sa akin na isa lang din naman akong mamayanan sa lipunan at hindi naman kailangan na tignan ng ganoon kataas. She never treated me differently, and never made me feel like I was some person sitting on a high horse.

And thanks to her, I felt like a normal human being.

Lumingon sa akin si Stephanie at ngumiting nagpunas ng pawis sa kaniyang noo gamit ang tuwalya na nakasabit sa balikat niya. Binigyan niya ng huling halo ang niluluto at saka ito hinabilin sa katabi bago lumapit sa akin.

"Ano, kamusta naman yung bisita mo." Pinatong niya ang kaniyang kamay sa likuran ko at iginaya ako sa upuan sa lamesa.

Pinaghila niya ako ng upuan bago ang sa kaniya at sabay kaming umupo. "Ayun nasa labas, tuwang tuwa nga mga bata sa kaniya. Lumalambitin pa nga yung iba sa braso niya, ginagawa ba naman obstacle course si Nico." natatawa kong sambit.

She smiled at me softly, bakas sa mata niya ang lambot ng tingin. "Alam mo Kyle, sa daming beses mo nang bumisita dito sa amin after mapamana sa'yo 'tong orphanage, ngayon ka lang nagdala ng bisita. Bukod kay Alison at kay tito Armando siyempre. And sa unang pagkakataon pa nga na ito, you look so happy." aniya na mas lalong nagpangiti sa akin.

Yumuko nang bahagya at tumawa ng mahina. I looked up again and saw her furrowing her brows in confusion.

"Oh bat tumatawa kang gaga ka. Anong nakakatawa?" she can't help but laugh as well.

Umiling iling lang ako. "Wala naman. It's just that, can you imagine he was my childhood bestfriend nahiwalay sa akin dahil sa isang aksidente. Tapos ngayon... nandito na siya ulit. Kasama ako." Wala sa sarili akong napatulala sa likod ng ulo niya.

Fated Alchemy: Across the Timeless PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon