CHAPTER 26

18 3 0
                                    

NICHOLAI

Waking up next to him everyday was not part of my life plan. Hindi ko nga minsan na inisip na kahit sa pagtulog ay mayroon akong makakatabi hanggang sa paggising sa umaga. But look at it now, it's been almost a week already simula nang magstay ako dito sa loob ng bahay nila for the whole vacation.

I knew they were rich. At naging sigurado lang ako doon nang unti unti kong naaalala lahat ng childhood memories ko sa bahay na ito. Tama nga ang sinabi ni Wave dati na iba ang yaman na taglay ni Kyle at ng pamilya niya. Pero regardless of that fact, mas pinagtutuunan ko ng pansin ang relasyon na namamagitan sa amin dalawa kaysa sa kung gaano sila kayaman kumpara sa pamilya ko.

The possibility of having him and being in a relationship with him is not that hard kung tutuusin dahil alam ko naman na hindi magkalayo ang social status namin dalawa. We're practically in the same league kaya alam kong hindi ako mahihirapan na makuha siya. He doesn't really have to worry about what people have to say to us dahil alam kong hindi nila pwedeng gamitin ang panunutya na "pineperahan" ko lang siya.

Kyle, alone, is already rich and I know that. Pero kahit na ganoon nga ay gusto ko pa rin na ako mismo ang magprovide para sa amin dalawa. There's this feeling inside me na nagsasabi na I should man up in this relationship and be a provider kahit na yung future boyfriend ko ay mas mayaman pa sa akin to the point na kaya niya akong bilhin.

I looked beside me and saw his beautiful sleeping face na sobrang kalmado ng itsura. Naramdaman ko ang maliit na ngiti sa aking labi habang nakatitig sa mukha niya. He's so peaceful when asleep. Aakalain mong hindi tigre, ibang iba sa itsura niya na nakakakaba kapag gising.

One thing that I also noticed just recently is how confident he became when it comes to making the first move. Although lagi ko naman nakikita na talagang mataas ang kaniyang kompyansa sa sarili. Pero now that I remember the Kyle that he used to be noong mga bata pa lang kami, I now know he's a different person na. Nag iba sa kakaibang paraan. His eyes became more cold yet so magnetic, yung tipong kahit hindi mo gustuhin na tumitig ay hindi mo rin maaalis ang mata mo sa kaniya. The childish and playful kid ay ngayon ay isang serysong tao na. He still has that jolly in him pero this time it's all about slyness, mapaglaro at mapang akit kung titignan.

Inabot ko ang aking kamay sa kaniyang mukha at marahan na hinaplos ang kaniyang pisngi. Bahagyang kumunot ang noo niya na nagpangiti sa akin lalo. Kahit na tulog ay talagang hindi naiiwasan ang magsungit. I caressed his smooth face softly, iniiwasan ko na magising siya sa pagtulog. Nakakatakot pa naman 'to pag nagising nang biglaan.

Kagaya lamang nang nakaraan araw nagising siya kasi tumatawag si Wave sa phone ko. Nagising nalang din ako at nakita ko nalang ang naksubangot niyang itsura habang kausap si Wave at nakatingin sa akin nang masama. Ang ending, sa sofa ako natulog tapos tinodo niya pa yung aircon kaya lamig na lamig ako. Binigyan niya naman ako ng choice kung sa sala sa ibaba ako matulog or sa sofa niya sa kwarto, pinili ko na lang dito at nang nakatulog siya ay pasimple akong lumipat at bumalik sa tabi niya.

I stayed there for a few more minutes and watched his pretty face while grazing it with my fingers softly.

Mga ilang minuto rin ay naisipan ko nang bumangon ng dahan dahan, ingat na ingat kong tinanggal ang nangangalay kong braso na ginawa niyang unan. Pinagpawisan pa ako ng malamig dahil sa kaba na baka magising ko siya, pero thankfully naman ay nakakawala na ako sa mahigpit niyang yakap mula sa akin.

Pinulot ko ang tshirt ko sa may sofa sa paanan ng malaking kama niya at sinuot iyon. Sinunod ko naman ang itim na sweatpants bago ako lumabas at marahan na sinarado ang pinto.

Medyo tahimik pa sa ibaba at mahihinang kaluskos lang mula sa kusina ang naririnig ko habang pababa sa spiral stairs. It's still seven in the morning kaya wala pang masyadong taong gising except sa mga housemaids nila dito. Nang nakarating ako sa kusina ay nakita ko si Alison na umiinom ng kape at abala sa kaniyang cellphone.

Fated Alchemy: Across the Timeless PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon