NICHOLAI
I quickly wore the clothes he gave me after that refreshing shower. Nakakatuwang isipin na may ganitong klaseng side pala ang isang tao na laging cold tignan. Mas lalo akong nagulat nang nakita ko siyang namula for the first time because of embarrasment, though he usually just stare coldly back everytime I make some nasty side jokes.
I know naman na he's still sick kaya ganoon ang pamumula ng kaniyang ilong at tenga, but his cheeks? Nope, I think it's from the kilig na hindi niya naiwasan.
Umiling ako sa sarili at mahinang napatawa dahil sa inisip. I decided to check on him before ako matulog kaya pinuntahan ko siya sa kwarto niya sa tapat at mahinang kumatok. The door of his room was slightly ajar kaya itinulak ko ito nang marahan.
Kyle was not there in his room, kumunot ang noo ko at naglakad sa hallway para tignan sa lounge area. There was a dim light sa sala at nakita ko rin ang isang ilaw na nakabukas sa balcony.
Dahan dahan akong naglakad patungo sa kaniya at napatigil ako nang bigla siyang nagsalita out of nowhere.
"Dapat hindi ako nandito sa condo at nasa bahay lang ako eh. Paano naman kasi si dad parang timang, inaapura na naman ako sa lupa na yan" aniya sa iritadong boses and I can't help but smile. I can imagine his cute pouting face while looking irritated.
Nanatali akong nakatayo sa likod ng sliding door at pinanood ko siyang humiga sa malaking upuan at magpaikot ikot doon. He stopped at a comfortable position at ilang minutong hindi gumalaw. Papasok na sana ako para tignan kung nakatulog na ba siya, pero he suddenly lifted his arms and wiped his eyes na lumuluha.
My heart felt an ache nang nakita ko na naman siyang umiiyak. Hindi malabo na ang ex niya na naman ang rason kung bakit siya naiyak. I wish I could comfort him, gusto ko siyang lapitan at yakapin, patahanin man lang at pakalmahin. Pero I can't seem to do it. There's this like hidden barrier that stops me from doing it to him. And somehow this barrier ay unti unti kong narerealize na... isang label.
This label is the huge barrier na humaharang at pumipigil sa akin na gawin ang gusto kong gawin para sa kaniya. There was just no established label on our relationship, ni hindi ko nga alam kung magkaiban na ba kami at this point. I don't know if he even considers the idea of being friends with me.
Though confused because I don't know why I keep on trying to get close to him kahit na alam ko naman na nakuha ko na ang tiwala niya sa akin, well Alison told me na sinabi ni Kyle iyon sa kaniya kaya nalaman ko.
Pero hindi ko maintindihan ang sarili ko dahil pakiramdam ko na parang hindi sapat sa akin na tiwala niya lang ang nakuha ko. There's this unknown side of me that wants something more... na gustong makuha si Kyle in a different and deeper level. Parang hindi ako satisfied ba na tiwala lang ang nabigay niya sa akin, and I somehow feel na gusto kong ibigay niya pa sa akin ang ibang parte ng pagkatao niya. I don't know, really.
Napabalik ang atensyon ko nang narinig siyang mahinang humihilik. He already fell asleep while crying. How fucking sad that can be, nakatulog ka nalang sa pagiyak. Umiling ko at bumalik sa kwarto niya para kumuha ng comforter, dumaan ako sa kusina para kunin ang cool fever na nilagay ko sa freezer para mas malamig kapag nilagay sa noohan niya.
I carefully opened the sliding door of the balcony at dahan dahan na lumapit sa kaniya. Dinampi ko ang kamay ko sa leeg at noo para pakiramdaman kung may lagnat pa ba, there's still a slight warmth pero parang sinat nalang ata. Tinanggal ko sa pagkakabalot ang cool fever and placed in gently over his forehead, he slightly flinched from the cold pero hindi naman nagising. Nilatag ko ang malaking comforter sa ibabaw ng katawan niya para hindi siya lamigin. It's so cold here sa labas bakit kaya naisipan nito na dito matulog eh ang laki laki ng kama niya.
