KYLE
What a shame. I should have known na madidisappoint lang ako after ng nangyari sa amin dalawa. It's been a month when Nicholai started avoiding me like a plague, na para bang may sakit ako na nakakahawa kaya sa bawat hindi inaasahan na tagpo ay bigla siyang lalayo at liliko. Alam ko naman sa sarili ko na ganito ang mangyayari pero ginawa ko pa rin na halikan siya, why? To confirm na may feelings nga talaga ako sa kaniya at hindi lang ito basta bastang simpleng infatuation.
Nagpangalumbaba ako sa lamesa dito sa library at binatawan ang libro na kanina ko pa binabasa kahit wala naman akong naiintindihan. My mind keeps on going back to that night where I kissed him out of curiousity.
My lips touched his and I felt the sudden spark traveled throughout my body from my spine down to my feet. Even though na alam ko na ang pakiramdam ng isang halik, hindi ko inaasahan na mas may isasarap pa pala ang paglapat ng dalawang labi.
Hindi ako gumalaw at hinayaan lang na magkadikit ang labi namin dalawa. After a few seconds ay lumayo ako para tignan ang ekspresyon sa mukha niya. His wide eyes are staring at me and his mouth slightly opened out of shock.
Ngumiti ako nang maliit at tinagilid ang ulo. Marahan kong sinundot ang sikmura niya kaya napakurap siya ng ilang beses.
"Okay ka lang?" I softly asked.
Nagkunot ang kaniyang noo at dahan dahan na inangat ang kanang kamay saka minasahe ang labi.
"You kissed me..." wala sa sariling niyang bulong habang nakatingin sa akin.
"It was just the alcohol I'm sorry." Natatawa kong excuse.
Well totoo naman, medyo nakainom na rin ako nang marami simula nung umalis ako sa palaro. I actually decided to taste lahat ng alcoholic and non alcoholic drinks doon, kaya medyo nahihilo na rin ako. Tapos nagdrive pa ko ng motor deba. Galing.
Umiwas siya ng tingin bago nagsalita ulit, "Pero nagdrive ka. So reckless." Umiling iling siya at kinuha bigla ang kamay ko.
Nagtataka akong tumingin sa magkasalop naming kamay habang hila hila niya ako pabalik sa motor. "Uuwi na tayo. Ako magdrive."
Hindi na ako umangal pa sa kagustuhan niya dahil alam kong wala naman akong magagawa. Isa pa siyempre para maiwasan ang mabangga pa kami. I cannot die yet. Marami pa akong pangarap sa buhay.
Hinatid niya ako diretso sa condo ko pero hindi na rin nagtagal at umalis na rin. I told him to use my motor first pero sabi niya ay magbook nalang daw siya ng drive pabalik sa party.
And after that, hindi niya na ako pinapansin. No messages, no stalking, no pangungulit. Bigla akong nakaramdam ng lungkot siguro dahil nasanay na rin ako sa presensiya niya na laging naka aligid. Aaminin ko na kahit papaano ay medyo gusto ko ang ginagawa niya na iyon. Medyo attention seeker ako I know, ganito talaga ata ang epekto kapag kinulang sa atensyon mula sa ex boyfriend.
Altough hindi ko naman sinasabi na hindi ako binigyan ng pansin ni Marcus, it's just that, the way Nicholai spends his free time for me is a different type of attention giving. Yung tipo ba na sa akin niya gustong sayangin yung oras niya kahit alam ko naman na mayroon siyan mas importante na dapat gawin.
Nakakamiss lang, that's all.
Biglang may humatak ng upuan sa harap ko at umupo. Binaling ko ang tingin kung sino ito at nakita si Wave. Tinaasan ko siya ng kilay nang magtagpo ang mga mata namin.
"Nico." He shook his head at isa isang nilabas ang mga notebook at libro sa bag niya.
"Ano meron?" tamad kong balik saka binasa muli ang libro na nakatengga na.
