CHAPTER 17

16 1 0
                                    

KYLE

Is this it? Is this the chasing arc na lagi kong nababasa sa mga libro, napapanood sa mga movies at series, at ang klase ng pangyayari na nakikita ko lang sa ibang tao. It has always been my favorite kind of scene sa lahat ng literature works, mapalibro man or palabas, gusto ko lagi nakakakita ng hinahabol ng bida ang isang bida.

The satisfaction from the moment where the main lead realizes how they feel kaya they decided to take the biggest risk. I mean bida naman talaga ako dito sa sarili kong buhay, sabi nga nila deba, ikaw ang main character sa sarili mong kwento.

Pero ngayon na nagyayari na sa akin ito, well parang nangyayari, hindi ko alam kung ano ang dapat kong maging reaksyon. I have no idea nor any clue how this chasing arc happens.

"Leave me the hell alone, Nicholai Eleazar Borjas."

Although kahit iyon ang sinabi ko, parang alam niya ata na hindi iyon ang gusto kong mangyari at nais iparating. Hindi ko rin naman inexpect na gagawin niya nga ang exact opposite ng leave me alone at inistalk pa niya talaga ako for the whole week after that incident.

Kapag sa cafeteria namin maisipan kumain ni Neil, I would always find him sitting with his circle of friends tapos naka simangot ang itsura habang nakatitig nang masama kay Neil. Kapag nasa library naman ako mag isa, nasa malayong table siya laging naka upo tapos nakatakip pa ng libro yung mukha. Akala niya ata hindi ko nakikita na siya yun, eh paano ba naman, kulang nalang ilagay sa ulo yung binabasa para hindi ko siya mahuli.

I know it was a childish act for me to do ang pag iwas after ko na magconfess. Hindi naman nila ako masisisi kung iniwasan ko siya purposely, I mean it's pretty normal for someone na mailang after magconfess. Tapos hindi man lang siya nagsalita about it, ni hindi niya nga inaccept or nireject yung confession ko sa kaniya eh. Pinangunahan na rin ako ng kaba kasi siyempre it's a nerve racking event at first time ko lang din naman na unang umamin. Sa amin dalawa ni Marcus, siya ang naunang nagsabi na gusto niya ako, yung tipo ba na he fell first tapos ang ending ako ang nahulog nang matindi.

And ayun ang iniiwasan ko ngayon na mangyari. Kahit na aminin ko na nakakagulat at nakakakilig ang 'parang' chasing arc na ginagawa ni Nicholai sa akin, hindi pa rin napapanatag ang loob ko sa posibilidad na baka maulit lang ulit ang dati kung sakali man na bumigay na ako sa pagiinarte. He's straight, and that's a huge problem already.

Isang golden rule para sa akin na dapat hindi ako magkagusto sa isang straight na lalaki, aba siyempre kasi ang ending niyan sa babae pa rin sila babalik. Kaya ngayon na kahit may kutob na ako about sa pagkagusto niya sa akin, I still cannot guarantee that hunch dahil siyempre, isa lang itong malaking 'baka?'. Womanizer pati siya, hindi rin malabo na bumalik siya sa babae kung magising siya sa katotohanan na ayaw niya pala talaga sa lalaki.

It's already been two weeks since I confessed to him sa may bay area. At halos mag isang linggo na rin noong pangyayari sa may parking lot. For the span of those three weeks hindi ko talaga siya pinapansin, wala akong pake sa kung ano man ang sabihin ng iba sa akin. Wala sila sa posisyon ko para manduhan ang dapat kong gawin.

Nasa loob kami ngayon ng gym area dahil hinatak ako nito ni Alison na manood daw kami ng basketball practice ng varsity. She's been very giddy at hindi mapakali recently, para bang bata na tuwang tuwa at nakuha niya na ang paboritong laruan. Siyempre naguguluhan ako sa inaakto niya at tinanong ko bakit siya tuwang tuwa. Wala lang daw iyon at hindi ko na naman daw need na bigyan ng pansin.

"Sabihin mo na kasi sa akin bat ba tuwang tuwa ka sa sinabi ko."

Kinalabit ko si Alison sa tabi at binaling ang tingin sa akin. Muling sumilay ang ngiti sa labi niya na ilang araw nang hindi nawawala.

Fated Alchemy: Across the Timeless PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon