KYLE
Maingat akong nagdrive papasok sa gate ng mansyon. I swiveled the stirring wheel para umikot sa may kalakihang fountain sa gitna bago nagpark sa tapat ng malaking pinto.
It's been a month already simula nang naging official kaming dalawa ni Nico. Hindi pa namin napag-iisipan kung sasabihin na ba namin sa mga magulang namin ang tungkol dito, kahit naman na alam namin dalawa na may ideya na sila sa nangyari sa amin. Knowing our parents, sigurado ako at walang duda na kahit hindi namin sabihin sa kanila ay alam na nila na mayroon nang namamagitan sa amin.
I turned off the car and looked for the brown folder na nilagay ko sa loob ng glove box. Kinuha ko ito saka lumabas ng sasakyan, naglakad ako papasok sa mansyon at tumungo sa opisina ni dad. I can already hear some conversation between my dad at ni Alison.
"There he is." Ani dad nang pagkapasok ko sa kwarto bago sinarado ang pinto.
Lumingon si Alison sa akin at nagtaas ng kilay.
"What took you so long kuya?"
I walked towards them at tumayo si dad mula sa pagkakaupo niya sa office chair. He softly smiled at me bago ako sinalubong ng yakap.
"How was the preparation, nak?" aniya pagkatapos namin magyakapan.
Malalim akong bumuntong hininga at tumingin sa kanila parehas.
"Ready na bukas para sa long awaited family reunion." Nakangiti at sarkastiko kong sambit.
The yearly event na pinaka ayaw ko sa lahat ay gaganapin na bukas sa bahay namin na nakatago sa loob ng gubat. Hindi ako nagbibiro when I say nakatago sa gubat, the size of that mansion is so huge kaya hindi siya magkakasiya sa simpleng commercial land. The entire house itself is already around 50 hectares kaya nakatayo talaga siya sa urban area, along the countryside sa probinsya ng lola ko sa side ni mommy.
"But I have a request..." agap ko and they looked at me curiously.
"Anything for the Headmaster." Nakangiting pagbibiro ni dad.
Hindi ko maiwasan na ngumiti rin at umiling. Headmaster. Ngayon ko nalang ulit narinig ang tawag na iyon sa akin. Ever since I became one, never kong inisip ang position na iyon sa pamilyang ito. I never really liked being called one, let alone being in the position. Kaya lang naman ako napunta sa kalagayan na ito dahil na rin sa walang kwentang tradisyon na sinimulan ng kung sino man poncio pilato ng mga Sejada.
"Stop it dad." Pagtawag ko sa kaniya na ikinatango niya lang. The smile on his lips remained while waiting for me to continue.
"Gusto kong kasama bukas ang family nila Nico." simple kong sagot na ikinabigla ni Alison.
Binaling namin ang tingin sa kaniya nang tumayo siya at lumapit sa amin.
Bakas sa kunot ng kaniyang noo ang gulat na ekspresyon. "But kuya, we never had an audience before. Aside from accountants, lawyers, financial advisers at kung sino pa man; hindi pa tayo nagkakaroon ng audience na hindi kabilang sa family." Pagpaliwanag ni Alison, tumango si dad at tumingin sa akin.
"You know their family will gain some attraction once na nainvolve sila sa tradition na 'to." dad said trying to convince me na baguhin ang isip at hindi na isama pa ang pamilya ni Nico.
But I have already decided about this. Matagal ko nang napag-isipan na gawin ito simula pa lang nung nangliligaw pa lang si Nico. Kaya ngayon na kami na, mas lalo akong desidido na ipakita siya sa mga taong iyon. Oo may takot pa rin sa puso ko na baka maulit lang ang nangyari dati sa amin dalawa ni Marcus. Na baka kapag narinig niya or naexperience niya lahat ng panlalait na alam kong gagawin ng mga kamag-anak ko ay baka magbago na ang takbo ng relasyon namin dalawa. The constant fear was still there kahit na ilang taon na ang lumipas.
