CHAPTER 3

37 4 0
                                    

KYLE

"The primary goal of the student union government is to represent the student body. Imagine Neil, represent the student body tapos ang gagawa non isang babaero? So unbelievable." Rant ko kay Neil nang malaman na hindi pa rin niya sinusunod ang sinabi ko na ipull out ang candidacy.

Dalawang araw na ang lumipas simula ng paguusap namin sa bahay nila Athena.

"That bastard even questioned my ability to socialize at talagang nagtaka na close pala kami ni Reina." Dagdag ko

I closed the folder containing his informations at nilagay ito sa ibabaw ng desk dito sa student union office. I shook my head because of full disbelief.

Umupo ako sa tabi ni Neil sa round table na abalang kumakain ng kanyang lunch. Tinignan niya lang ako saglit at nginitian.

"Why are so pressed about the idea na kinakalaban ka ni Nicholai? Ayaw mo non may kalaban ka na for the first time?" ani niya at muling sumubo ng pagkain.

"Neil, it's a huge insult para sa akin. Sa dinarami rami ng mga estudyante dito sa university na to na may mas magandang credentials kaysa sa kaniya, siya pa talaga ang lumaban against me?" napailing ako sa realization at muling tumayo at naglakad paikot ikot sa harap niya.

"Isang malaking insulto para sa akin na ang kalaban ko ay isang babaero na walang maayos na reputasyon katulad niya. At halatang halata naman na walang dalang advocacay yan si Nicholai. Baka nga tumakbo lang yan sa student elections para asarin ako eh." Dagdag ko.

And for his information, Reina was the first person who actually approached me and asked me kung gusto ko ba sumali sa student elections. Not that it mattered tho, pero I just hate the fact na people always try to mislabel me dahil lang sa panlabas ko na postura.

Why do we always judge people by the way they carry themselves around? Is it so hard for them to give some benefit of the doubt na baka ganun lang sila sa labas at ibang iba ang personality nila once you get to know them? Ilang beses ko nang naranasan ang ganiyan klaseng treatment, that's why I don't like socializing much kasi puro nalang mistreatment natatanggap ko. I tried to change my ways naman eh. Take note, I tried okay. Pero sadyang ang hirap baguhin ng isang bagay na nakasanayan mo na simula nang bata ka pa lang.

Kinuha ko sa loob ng bag ang lunch box na baon ko at umupo sa tabi ni Neil para simulan na rin ang kumain. I still cannot erase from my mind how that Nicholai looked noong pumasok kami sa loob ng bahay at nagtinginan ang lahat.

I know naman na hindi ako ganoon ka-lingunin at tanggap ko naman na hindi ako malakas na head turner. It was all because of Reina kaya ang lahat ng tao roon ay talagang tumingin sa amin at nagulat. But when Reina told me na naka tingin sa akin ang grupo nilang mga varsity boys, specifically si Nicholai, ay lumingon ako agad to see him and his group.

Sa totoo lang gusto ko tumawa minsan tuwing nakikita ko sila na parang mga bata na nakakita ng multo every time I'm around their area.

Kinuha ko ang carrots na nakahalo sa pagkain ko at iniligay iyon sa pagkain ni Neil at ngumiti ako sa kaniya. Hindi siya umangal at tumango lang din habang ngumunguya. This is what I like the most sa kaniya eh, tahimik lang kapag kumakain. Just like I said, I hate too much noise.

Ayun din ang tinanong sa'kin ni Reina bago kami pumunta sa party nung nakaraang araw. She knows I don't like noises as well. Sabi ko okay lang yun and hindi naman masama ang paminsan minsan.

And speaking of Reina, magmessage pala ako sa kaniya to let her know na free time ko na kaya puwede na ako sumama sa kung saan man niya balak ako dalhin.

Kyle:

I'm in my free time na. So what's your plan hmm?

Reina:

Fated Alchemy: Across the Timeless PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon