CHAPTER 33

12 2 0
                                    

KYLE

Pailing iling akong pumasok sa café dahil hindi ko makayanan ang kakulitan ni Nico. I pushed the door of the café and the smell of brewed coffee immediately greeted me. Lumingon ako sa buong paligid at hinahanap kung nasaan si Neil.

I saw him sitting over sa couch sa gilid ng malaking bintana. Abala siya sa kaniyang cellphone kaya lumapit nalang ako nang kusa at hindi na siya tinawag. When I reached his table ay nakangiti ko siyang inintay na umangat ang tingin sa akin.

A few seconds later he felt my presence at tumingala. His eyes sparkled and gave me a wide smile bago tumayo. Sinalubong ko siya ng mahigpit na yakap, I unconciosly smelled his scent sa suot niyang brown cardigan. Medyo nanibago ako sa amoy niya dahil most of the time ay si Nico ang inaamoy ko, and siguro ay baka nasanay na rin ako sa amoy ng asungot kaya nag-iba ang taste ko pagdating sa perfume ng lalaki.

His tall and big figure felt warm habang nakayakap sa kaniya. Dinamdam muna namin ang presensya ng isa't isa bago ako pumiglas.

Nagkikita naman kami ni Neil sa university pero hindi na ganoon kadalas since hindi naman na ako part ng student council. And one of the reason din ay lagi akong nasa library to study and read some books, at siyempre paminsan minsan ay nagugulat nalang ako at nandoon din ang asungot na nakabantay sa akin.

Hindi ko nga alam kung kailan niya nakahiligan ang pagbabasa. May time pa nga na naaabutan ko nalang siyang nasa loob ng library at nagbabasa mag-isa, and I saw the books he was reading was all about cooking and recipes. Napailing nalang ako sa isip at pinigilan mapangiti. Talagang super dedicated siya sa pagluluto niya kaya hindi ko na rin pinigilan.

"Upo tayo. How are you, Kyle?" tanong niya at iginaya ako sa tabi niya sa may sofa.

Nilapag ko ang dalang bag sa ibabaw ng lamesa at itinukod dito ang siko saka tumingin sa kaniya ng patagilid.

I smiled at him, "I'm fine. Very fine actually." Wala sa sarili kong sabi at mas lalong lumapad ang ngiti nang biglang pumasok sa isipan ko si Nico.

He raised both of his brows and nodded slowly.

"Halata nga eh. May I know why? Pwede ba malaman?" kuryoso niyang tanong na ikinagalak ko naman.

Plano ko naman talaga sabihin sa kaniya ang tungkol sa amin dalawwa ni Nico. Humahanap lang ako ng tamang chance para sabihin sa kaniya, hindi kasi masyadong nagtatagpo ang schedule namin dalawa gawa na rin na parehas kaming busy both in academics and personal life. Itong araw na ito talaga ay sadyang inilaan namin para naman makapag catch up sa isa't isa.

"I'm dating someone." pasimple kong sambit habang nakatingin sa mata niyang may pagkasingkit.

"Do I know the guy?" he tilted his head to the side and smiled at me knowingly.

"Everyone in the university knows him, Neil. Kilalang kilala siya sa buong school."

He was slightly surprised and taken aback from what I said. Pero agad naman nabawi ang kaniyang ekspresyon at nagbago ito, he looked at me as if he already know kung sino ang tinutukoy ko. Bahagyang lumukot ang kaniyang mukha, bakas dito ang pagkasuya at slight disappointment.

"Why...him?" ani Neil kaya napaisip ako kung bakit nga ba.

Iniwas ko ang tingin at binaling ito sa mga kotse na dumadaan sa labas ng bintana. I thought hard about the inevitable question he raised. Oo nga noh, bakit nga ba? Aside from being a huge asungot in the first place, ano ba ang nagustuhan ko sa kaniya at biglang napaikot ang takbo ng mundo ko na ang naging ending ay sa kaniya rin ako bumagsak.

I sighed deeply and looked back at his judgemental stares.

"He remembers me of Marcus..." napadaing siya sa narinig kaya napapikit ako nang mariin.

Fated Alchemy: Across the Timeless PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon