NICHOLAI
Nakapangulambaba lang ako sa harap ng desk habang pinapanood ang professor ko na magdiscuss ng lesson sa harap. Sobrang bored ako dahil kakastart lang ng semester kaya medyo chill pa lang halos ang lahat. Naisipan ko nalang na alalahanin ang naging vacation ko last year kasama si Darcy.
My family and I spent the Christmas and New Year's day sa bahay ng pamilya ni Kyle. It was fun and I really enjoyed the vacation especially beacause it was my first time to celebrate such occasion with someone. With someone very special to me.
When Christmas came, napag isipan ko na siyang bilhan ng regalo just because. I mean ayun naman talaga ang essence ng pasko hindi ba, ang magbigayan sa mga taong malapit sa'yo at mahalaga sa'yo. I decided to give him a simple gold necklace na may nakasulat na initial ng first name ng pangalan ko.
Inabot ko sa kaniya ang maliit ko na regalo na nakabalot sa gift wrap. He's brows were furrowed while smiling at me.
"Ano na naman 'to? Hindi ako nainform na may paexchange gift pala ha." Natatawa niyang sambit bago dahan dahan na binuksan ang binigay ko.
Ngumit lang din ako pabalik at iginaya ko siya sa sofa dito sa kwarto niya at umupo kami habang iniitay siyang makita ang reaksyon. Lumapad lalo ang ngiti sa maganda niyang labi nang bumungad sa kaniya ang box ng Cartier, he opened the box and his jaw dropped slightly bago tumingin sa akin.
"Loko ka. Deba binigyan mo na ako ng necklace noong birthday ko." kinuha niya sa ibabaw ng cushion ang kuwintas.
"Well, yeah no. Hindi yun galing sa akin. It was from your sister."
Biglang nagsalubong ang kaniyang kilay at umatras bahgya na parang nabigla. "What? All this time I thought galing sa'yo yun."
Napakamot ako sa aking batok hanggang sa ulo. "Nope. Kaya here's my gift for you. Special yan kasi Christmas ko binigay." Pagbibiro ko sa kaniya at natawa.
Nagtaas ang dalawa niyang kilay at sabay na sumilay ang maganda niyang ipin. "Ay ganun? Well buti nalang at ready din ako."
Ako naman ngayon ag nagtaka habang tinitignan siyang tumayo at pumuta sa vanity mirror niya. Hinila niya ang drawer sa ilalim ng lamesa at may kinuha doon na isang maliiit din na box at binitbit niya ito pabalik.
Nakatayo siya sa harap ko at inabot ang maliit na kahon. "Buksan mo."
I sense some little bit of nervousness at kaunting hiya dahil first time ko lang makatanggap ng regalo na galing sa ibang tao. But Kyle is not just someone naman, what I mean is ngayon lang may nagbigay sa akin ng gift na hindi mula sa mga kaibigan ko at pamilya. Pero I think he's already part of my family and he's also my friend. He's my bestfriend na nga and my biggest crush.
Wait. What the hell am I even saying? Basta iyon na yun.
Nakangiti kong binuksan ang box na Cartier din ang tatak. Bumungad sa akin ang isang rosegold na kuwintas na may letrang L na pendant. Kagat labi kong binaling sa kaniya ang mata at nakita na nakangiti niya akong pinapanood.
Napailing ako at natawa nang bahgya. "Really? Same brand, same color, tapos same pa ng pendant na initial lang. We're just so meant to be, don't you think?"
He rolled his eyes at pinipigilan ang malpad na ngiti na gumuhit. "Ewan ko sa'yo. Basta ang alam ko ako ang naunang nakaisip niyan. I don't know lang paano mo nalaman." Naghalukikip siya at nagtaas ng kilay, labis pa rin ang pagpigil ng ngiti na kitang kita naman sa gilid ng kaniyang labi.
"Whatever you say, Mr. President. Kabit mo na sa'kin." Inabot ko pabalik sa kaniya ang box.
"Hindi. Akin muna yung ikabit mo. Nauna kang magbigay eh." kinuha niya ang regalo niya sa akin at nilapag ito sa tabi ko.
