KYLE
It was somehow hard to find a proper costume that exactly describes Harley Quinn. The difficult part was finding a very short shorts na maong na hati ang kulay sa blue at red. So I decided na magpatulong na maghanap kay Dave kung saan mayroon, pero since kahit siya ay nahirapan, naisipan nalang namin na bumili ng ripped maong short shorts na kulay puti at binabad ito sa dye.
Tinignan ko ang oras sa alarm clock na nasa ibabaw ng tableside katabi ng kama. Mag alas siyete na pala ng gabi, although the party was expected to start around nine, sinimulan ko na ang maglinis ng katawan dahil baka matagalan pa sa pag aayos ng buhok at make up.
It's a good thing na hindi ako tinutubuan ng buhok kaya hindi na mahirap para sa akin ang magshave at magtanggal ng hairs sa unwanted areas. Naglagay muna ako ng clear contact lenses para hindi ko na kailanganin na magsalamin.
Kinuha ko ang white tsirt na maraming punit at butas tsaka ito sinuot. Tinignan ko muna kung tuyo na ba ang shorts na kakadye ko lang kaninang umaga, nang makita ko itong okay na ay napangiti ako. Pansin ko na medyo masikip pala sa akin ang shorts na 'to pero ipinilit kong isiksik ang matambok kong puwetan sa loob. After several minutes of struggling ay nasarado ko na rin ang zipper at pumunta sa harap ng vanity mirror.
I sat on the chair and brought out all the face paints na binili ko kahapon sa Uptown mall. Inuna ko muna na ayusin ang buhok ko na pinaash blonde ko kaninang umaga rin sa salon. Sinuklay ko ito at itanali ang bandang likod ng low pigtails, naglagay na rin ako ng kaunting bangs sa harap para matakman yung noo ko na kasing laki ng NAIA terminal. I took out the temporary hair color spray na blue at red, inispray ko ang isang kulay sa isang pigtail at yung isa naman ay sa kabila.
This is actually very fun and easy to do. Binuksan ko sa lalagayan ang face paint na blue at red din ang kulay at ginamitan nalang ng daliri para ipahid paikot sa mata. Nang matapos ko malagyan ng malaking bilog ang mata ay sinunod kong lapatan ng black pencil eye liner and water line para mas mukhang gothic ang dating. For the lips naman ay naglagay ako ng matte cherry red lipstick na 24hours stay long wear, sinadya ko na magkaroon ng kaunting lagpas para may extra effect.
Tumayo ako at nagtungo papunta sa walk in closet para tingnan ang sarili sa whole body mirror. And damn I was impressed. Hindi ko halos makilala si Kyle na naharap ngayon sa salamin. Tinagilid ko ang katawan para makita ang tambok ng aking pwetan at napangisi sa laki nito. May silbi rin pala kahit papaano ang pag aya sa akin ni Alison na yoga.
Malakas na tumunong ang cellphone ko sa loob ng kwarto at pinutahan iyon para sagutin ang tumatawag.
"Kuya ano, nasa baba na 'ko" rinig ko sa kabilang linya ang pagtunog ng sasakyan habang nagpapark siya.
"Pababa na' ko wag ka na mag park."
Binaba ko ang tawag at nagmadaling kunin ang maliit kong shoulder bag na itim. Inabot ko ang susi sa ibabaw ng kama ko at tuluyan ng lumabas ng condo.
For some reason ay naisipan ko na dito na magstay sa penthouse kasi unag una sa lahat, sayang ang lugar na 'to kung hindi naman magagamit. Pangalawa, nakapangalan din sa akin ang lugar na 'to kaya why not gamitin nalang. Kahit ako lang mag isa dito ay kaya ko naman mabuhay. I can cook, I can clean, I can even pay the bills of this place. Sayang din ang pera na pumapasok sa bank account kung hindi ko gagastusin. Mas better na sa sarili kong mga luho na gastusin ang pera na kinikita ko at binibigay ni dad.
Nang nakababa na ako sa parking lot ay nakita ko ang itim na Audi ni Alison na nag iintay sa akin. Lakad patakbo akong luampit dito at sumakay sa may likod.
"Badgay ka naman pala ngayon kuya." Natatawa niyang sambit at saka sinimulan ang pagmamaneho.
Sumabay ako ng tawa sa kaniya at dumungaw sa gitna ng driver seat at passenger seat para makita ang suot niya.
