CHAPTER 13

17 1 0
                                    

KYLE

Nakatingin ako sa kaniya na abala sa pagaayos ng hihigaan niya sa sofa. He was already placing some huge pillows at humiga na nga agad. Is he really serious about sleeping diyan sa sofa? I was just joking kanina pero parang tinotoo niya nga.

"Talagang diyan ka matutulog ha." Naglakad ako papunta sa kaniya at tumayo sa harap niya, tinignan ko siya nang nakakaloko habang nakakunot ang nood sa akin.

"You told me to sleep here diba? Sinusunod lang naman kita, Mr. President." Agap niya at nagkibit balikat. He placed his arms above his eyes para takpan ang liwanag ng ilaw.

I rolled my eyes at kinalabit siya, sumulyap siya sa akin at nagtaas ng kilay.

"Dun ka sa guestroom matulog. Baka sabihin mo inaargabyado pa kita."

Naglakad ako pabalik sa kwarto ko at naramramdaman ko na nakasunod siya sa akin. "Ayan yung guest room sa tapat, kuha lang kita ng damit pamalit." I stopped at the doorway of my room and turned around to look at him.

"Sure, I'll wait for you there nalang."

Tinuro ko sa kaniya ang kwarto sa harap ng pintuan ko, tumungo na siya sa loob at iniwan na bukas ang pinto. Pumasok ako kwarto ko at dumeretso sa walk in closet para maghanap ng damit na kakasya sa kaniya. I still feel a little dizzy pero hindi na iyon katulad nang kaninang umaga na para akong nalasing sa hilo since nakainom na rin ako ng gamot at nakakain kahit papaano.

I searched the closet for any clothes na malaki pero halos lahat nang nanduon ay puro small sizes. Nakahanap ako ng medium na plain white tshirt at tinaas ito sa harap ko para tignan ang sukat. Napangiwi ako nang narealize na parang medyo maliit ata ito, based on what I observe, baka nasa large or extra large ang size ng damit niya.

Pero anyway, wala naman akong magagawa since ito lang ang pinakamalaki na mayroon ako, plus mas gustuhin ko na malinis ang katawan niya bago humiga sa kama. I'm a huge clean freak, at ayaw na ayaw ko na may humihiga sa kama ng galing sa labas ang damit.

Nagtagal ako mag isip kung bibigyan ko ba siya ng boxers na pamalit kasi I really don't share my clothes, and na feel ko ay medyo maliit din sa kaniya, pero bahala na siya kung susuotin niya or hindi. I pulled out a large grey sweatpants na hindi ko alam ay mayroon pala ako.

I'm not a fan of wearing clothes like this, hindi rin naman kasi ako pala exercise unlike Alison kaya there's no need naman to wear something na very pang gym ang attire. Pero I wonder paano ako nagkaroon ng sweatpants, at large pa ang size. Nagkamali ata ng bili si Alison ng size tapos naiwan niya rito sa condo ko.

I shrugged my shoulders at dinala ang damit sa kabilang kwarto. Pagkapasok ko sa loob ay naririnig ko ang shower kaya naisipan ko na kumatok muna sa pintuan ng bathroom, pero bago ko pa malapat ang kamay ko ay bumukas na ito agad at iniluwa ang bagong ligo na asungot.

My knuckles were left hanging in the air while staring at his body. Okay. I'm not that surprise na ganito kaganda ang katawan niya, pero damn, his back muscles were already good tapos ganito rin pala ang view sa harap. I saw a droplet of water trickled down from his neck down to his boulder chest.

Tumikhim siya kaya napaangat ang tingin ko sa mata niya. He was smirking at me while biting his lip. "Nasan na yung damit? Baka lumamig yung pagkain eh." He looked down at his body at nagbalik ang tingin sa akin.

I irritatedly looked at him and rolled my eyes. At talagang naisipan niya pa na ibalik ang sinabi ko kanina habang kumakain kami. "Leche, ayan oh magbihis ka na." inabot ko sa kaniya ang dala dala kong damit at umiwas ng tingin, I can't help but somehow stifle my smile.

Kinuha niya ang damit sa kamay ko at yumuko para tignan ako nang maigi.

"Are you blushing, Mr. President?" mapaglaro nitong tanong sa akin kaya tinignan ko siya nang masama. He was still wearing that playfull smirk of his na gusto ko tuloy burahin sa inis.

Fated Alchemy: Across the Timeless PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon