KYLE
Nakangiti ko silang pinanood magkakaibigan na magtampisaw sa tubig ng pool.
I shook my head and took a sip of my lemonade habang nakaupo sa lounge chair. Tanging malalakas na hiyawan, sigawan, at tawanan ang pumupuno dito sa buong private pool area ng villa resthouse namin here in Siargao.
Sayang at wala si Wave at may pinuntahan na super important daw kaya hindi siya nakasama ngayon. Hindi na ako masyadong nag-usisa pa dahil nagmamadali na rin siya nung nagkita kami sa airport. He's flying to Aklan for some reason na hindi ko na tinanong pa.
Napagisipan ko kasing icelebrate ang pagkapanalo ng team nila Nico. All of them were so excited when they found out na gusto ko silang ilibre ng 3 days trip here sa Siargao with all expenses paid. Noong una ay hindi pa nga sila makapaniwala at akala ay nagbibiro pa ako, but in the end ay nakumbinse ko rin sila na seryoso ako sa sinabi ko at hindi nagbibiro.
I still can't believe na after 5 years ay muling nauwi ng university namin ang championship title. Unti-unti kong inalala ang mga nangyari kahapon na nanalo sila.
Nang matapos ang biglaang pagpublic display of affection namin ni Nico sa court ay saglit kaming nag-usap tungkol sa gusto kong mangyari.
"Nico, tell your friends nga na magcelebrate tayo sa Siargao. Sagot ko na lahat." Ani ko na nagpakunot ng noo niya, there was a small smile forming on the side of his lips pero pinipigilan niya lang.
"Sure... Pero what do you mean sagot mo lahat?" bakas ang pagtataka sa gwapo niyang mukha kahay hindi ko maiwasan na mapangiti.
Tumango ako, "Sagot ko lahat. As in all expenses paid ganon. Saka may resthouse naman kami doon kaya no worries about the lodging." I explained to him at mas lalong nagsalubong ang kilay niya.
Umiling siya at marahan na hinawakan ang magkabilang balikat ko.
"Darcy, I appreciate the thought pero you don't really need pay for everything. We can pay for our own expenses, at ayaw ko rin na isipin ng ibang tao na ginagamit lang kita." He softly said while looking deeply in my eyes.
May kung anong humaplos sa puso ko at wala sa sariling napangiti. Hindi pa rin ako makapaniwala na nakahanap akao ng ganitong klase ng tao, na mas mahalaga ang value ng relasyon kaysa sa kung ano ang kayang maibigay.
I never would have thought that I would end up with someone I had always prayed for. Akala ko ay hindi ko na mahahanap ang ganitong klase ng tao na seryoso at hindi lang puro materyal na bagay ang gusto. But now, looking in front of me, napapailing nalang ako sa tuwa.
Pinatong ko ang kamay ko sa ibabaw ng kaniya at tumitig pabalik.
"Look, never kong iisipin na ginagamit mo lang ako or anything. Alam ko naman na kaya niyong bayaran lahat ng gastos niyo, I just want to do this kasi I want to treat you all for a job well done." Nakangiti kong balik sa kaniya.
He closed his eyes and sighed deeply, hinagkan niya ang noo ko at hinalikan ito bago tumingin sa akin.
"Fine. Ano pa ba magagawa ko kung gusto mo talagang gawin yan. Sa dulo ikaw pa din naman ang masusunod, boss..." Pagbibiro niya na ikinatawa namin parehas.
I can feel all the stares around us, kahit na natapos na ang laro ay may mga iilan ilan pa rin na natitira dahil gustong magpapicture sa team nila Nico. Pero wala akong pakialam sa kanila at sa sasabihin nila, even though na alam ko na bukas na bukas ay trending na agad kaming dalawa dahil sa ginawa niyang paghalik sa akin dito sa court.
Mainggit nalang sila tutal ayun lang naman ang pwede nilang magawa. Napangise ako sa isipan ko, yung pinaka idol nila na player ay biglang ipapakita yung romantic partner niya. Ang nakakagulat pa, lalaki rin yung partner niya. Natatawa tuloy ako kasi ano kayang pumasok sa mga isipan ng mga nakakita sa amin, for sure gulat na gulat silang lahat.
