Chapter 43

177 5 1
                                        

Halloween Party

Chivalry's POV

Nakaka-stress pala mag organize! Muntik ko na ngang ipalo sa ulo ni Kuya Charles yung pumpkin, inasar ba naman ako na ako raw gagawa sa lahat. Nilagyan ko ng decorations yung bakanteng kwarto, naisip kasi namin na roon nalang kami mag-party huwag na sa living room. Baka mag-kalat pa raw kami pare-pareho.

"Chi, it's 7 in the morning! You're disturbing my sleep!" Inis na bulyaw ni Kuya Cael sa akin.

"Dami mong sinabi, tumulong ka nalang."

"Tss."

Walang nagawa yung dalawa kong kapatid, tumulong sila kay Papa sa kwarto. Samantalang ako sa pagkain, katabi ko si Mama. Nagbe-bake ng cupcake, lalagyan niya raw ng halloween design like ghost and pumpkin. Muntik ko pang isipin na mga bata kami. Treat or trick lang. Panay lang siya bake, limang tray ang ginamit niya. Tatlo sa cupcakes, dalawa sa cookies. Ang sabi niya pa, huwag na raw akong makielam, baka raw pumangit kasa. Kaya ending nasa juice lang ako, puro mango juice ang tinitimpla ko.

"Mama, ang aga pa!"

"Hindi ko pa naman ibe-bake agad, sweetie. Babalutin ko pa iyan, mamaya na kapag papunta na sila."

Nag-patuloy lang kami sa pag-aayos, puro reklamo ang naririnig namin ni Mama sa tatlo. Kesyo pagod na raw, e kakasimula pa lang namin.

Tinawagan ko muna si Amaya, nakalimutan kong ayain yung iba pa e.

"Aya."

["Oy! Ry, bakit?"]

"Saan kayo? Sabay kayo kay Aiden, sabihin mo utos ko. Halloween party mamayang gabi, inaasahan ni Mama na pupunta kayo."

["Saan? Sa bahay niyo?"] Halatang kumakain siya, panay tunog yung bunganga niya e.

"Cavite kami ngayon, tanong niyo kay Killian adress. Nakauwi na siya riyan."

["Sige! Pupuntahan ko na rin sila. Bye!"] Agad niyang binaba ang tawag kaya napa-buntong hininga nalang ako.

Kahit kailan talaga siya.

"Ma, anong ulam natin?"

"Sinigang, request ng Papa mo. Puro raw kayo frozen foods, hindi maganda sa kalusugan iyon." Sermon niya.

"May salad?"

"Chi, wala pang december para sa salad." Bungad naman ni Papa, humalik pa siya sa pisngi ni Mama niyan ah.

"Anak ng... anong salad ba nasa isip mo, Pa? Hindi salad na dessert! Salad na gulay kasi!"

"My fault." Tinawanan pa ni Mama yung reaksyon ko kaya mas lalo akong nainis.

"What time sila pupunta?" Tanong ni Kuya Charles, inagaw pa juice ko.

"Ewan ko, basta ewan."

Sumama lang itsura niya at bumalik na sa kwarto, iniwan niya si Kuya Cael don. Lagot siya.

"Ma! Yung salad order nalang ba o ikaw gagawa?"

"Ako na gagawa," nasa sinigang pa rin siya, nilalagay yung sampalok. "Anyway, magkano allowance mo this week?"

"Ewan ko, hindi pa 'ko nanghihingi since last month. Lagi nila akong nililibre e."

"Calvin." Simple lang yung boses na iyon ni Mama, pero si Papa parang nangingig buong pagka-tao. Muntik pang mabasag yung baso sa kanya.

"W-wife, yes?"

"How much is my daughter's allowance now? She said last month, she hasn't asked for it."

The Last Girl StandingStories to obsess over. Discover now