Chapter 44

56 2 0
                                        

Official

Chivalry's POV

Ito na! Nanginginig na 'ko! November 3 na, ngayong araw na kami magiging official. Pero paano? Paano ko siya sasagutin in romantic way?

Ganito ba? 'Killian, mula ngayon boyfriend na kita.' O ganito, 'Markahan mo 'tong araw na 'to, magiging anibersaryo natin ito.' Pero ang corny!

"Woy, kanina kapa namin tinatawag. Tulaley ka." Pitik ni Amaya sa noo ko.

"May iniisip lang ako," naka-lumbaba kong sagot. "Pakiramdam ko nawala utak ko."

Nandito kaming lima sa garden ngayon, yung boys nasa pool. Yung iba umuwi muna, gusto pang bumalik pero tumanggi ako. Uuwi na rin kami mamaya, tapos babalik pa sila.

"Anong iniisip mo? Share mo sa amin, baka may maitulong kami." Ngumiti ako sa kanila bago mag-reklamo.

"Kasi naman, hindi ko alam paano sasagutin si Killian. Pakiramdam ko, ang tanga ko. Wala pa naman akong experience sa relationship."

"Hmm.. okay, I'll help you."

"Wow, parang labag sa loob mo pa ha."

Ngumiwi lang sa akin si Darcey.

"Just say this, 'I want nothing but the best for our relationship, I love you.' Gets?" Talagang inipit niya pa boses niya.

"Baliw kaba?" si Amaya na ang sumingit, halatang kontra sa suhestiyon ni Darcey. "Sasagutin, wala pa silang relasyon. Delusional ka masyado, bes."

"That's what I'm saying!"

"Nyenye!"

"Wala man lang kayong nai-tulong e." Bagsak ang balikat kong humiga sa damuhan.

"Eekk! Wala rin kaming alam e! Easy to get kasi sila!"

"Hay, huwag nalang mag-boyfriend." Umasim mukha ko sa sinabi ni Viv.

"Shoo! Bawal bitter dito."

"Bahala na si Shikamaru, sasagutin kung sasagutin." Walang kwentang sabi ko.

Pansin kong pare-pareho nila akong nilingon, halatang nagta-taka sila sa sinabi ko.

"Who's Shikamaru?"

"Shikamaru, sa Naruto na anime."

Natigil lang kami sa usapan dahil tinawag na kami ni Mama, kakain muna raw kami bago umalis.

"Kumain na kayo, ihanda niyo na rin mga gamit niyo. Uuwi na tayo, hinahanap na kayo sa inyo."

"Fuck, hindi pala ako nag-paalam sa maid ko."

Napa-iling nalang kami sa kanya, kung kailan pauwi na kami saka pa siya magre-reklamo.

"Kinausap ko na mga parents niyo kahapon, you don't have to worry."

"Thanks, Tita. You're the best!"

Natawa lang si Mama bago kami iwan.

"Hindi niyo kami tinawag!"

"Kakain na pala!"

"Madamot, ayaw mag-aya."

Bakit ba palagi nalang silang may nasasabi? Kahit maliit na bagay, hindi pwedeng wala silang komento. Ikakamatay ata nila kapag hindi sila nakapag-komento.

Hindi nalang namin sila pinansin, kumain nalang kami nang kumain. Kailangan na naming mag-madali, magpapahinga pa kami pag-uwi.

"Bilisan niyo na, hinihintay na kayo ng iba niyong kaklase."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 10 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Last Girl StandingStories to obsess over. Discover now