Sypnosis

24.5K 310 62
                                    



Pangarap niyang yumaman kaya iniwan ang bansang sinilangan para makipagsapalaran sa Europa. Ang hindi alam ng karamihan sa Pinas, isa siyang katulong sa Italya.

Walang nakakakita sa mukha ng boss niya maliban sa kanilang mga katulong sa bahay. Maingay ang pangalan sa fashion world pero misteryoso ang pagkatao nito. Ang sabi nila, matanda na ito, pangit o di kaya'y may kapansanan kaya hindi nagpapakita sa publiko kaya kahit na boss niya ito, may kilabot pa rin siyang naramdaman kapag malamang nasa bahay ang amo. Pakiramdam niya isa itong isinumpang prinsipe na naging halimaw kaya bawal makita ng mga tao. Pero paano kung isang araw, matuklasan niyang ang misteryosong boss ay dapat lang pala talagang itago ang mukha at katawan dahil baka pagpiyestahan ng mga kababaehan at kabaklaan?

Paano niya maiwasan ang tukso kung pati sa kama, gusto nitong maging alipin siya? Sino ba ang dapat na magbayad ng serbisyo? Siya o ito?



Author's note:

1. Nagrarambol ang pangalan. Matic na sa akin yun😂
2. Unedited kaya daming mali sa grammar, punctuations, etc.
3. Kathang-isip lamang ng seksi kong utak kaya kung may katulad man, for sure nagkataon lang.
4. Cliché at mababaw ang istoryang ito.
5. Kung ayaw ng storya, malayang umalis pero wag mang-report. Para kayong tanga na walang magawa kundi mang-report sa pinaghirapan ng iba. Maraming writers diyan, doon kayo magbasa.
6. Respect ung author at respect din ang kapwa-readers kahit saang story kayo magbasa.

Ano pa ba ang kulang? Basta yun na yun. Matatanda na kayo, may isip na kaya alam na ninyo ang bawal at mali. Basa lang kung bet nyo. Leave pag hindi. Ganern!








Maid In Italy (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon