Unedited...
Tatlong linggo pa lang siya sa Pinas pero parang gusto na niyang lumipad pabalik sa ibang bansa dahil wala na siyang pera.
Pagdating nya ng Pilipinas ay agad siyang namili ng gamit sa bahay. Sofa, malaking TV, ref at kama kaya mahigit 150k pesos din ang nagastos niya. Maliban pa sa pamasahe at mga pinapamalengke niya araw-araw. Magkano lang naman ang naipon niya dahil buwan-buwan ay pinapadala rin niya para sa nanay niyang may sakit.
"Manang, mamalengke ka ba mamaya?" tanong ng kapatid niya habang nagbibihis siya sa kwarto. Isa rin ito sa dahilan kung bakit halos wala nang natitira sa sahod niya buwan-buwan ag dahil pinapaaral niya ito sa kolehiyo. Ang laki pa naman ng gastos dahil nursing student ito at ngayon ay graduation na nito kaya siya umuwi.
"Oo, mamili lang ako ng para sa ihahanda natin bukas," sagot niya dahil after graduation, magpapakain sila.
"Hmm? Okay lang naman sa akin na kumain na tayo sa labas," sabi ni Cheche.
"No. Birthday mo kaya maghahanda tayo," sabi niya.
"Manang, wala ka nang pera. Alam kong wala kang ipon dahil sa pag-aaral ko tapos ngayong umuwi ka, ikaw pa ang gagastos," nag-aalalang sabi ni Cheche.
"Ang pera makikita natin pero ang kasiyahan at bonding natin ay hindi na natin maibabalik," sabi niya saka tumayo at nilapitan ang kapatid. "Wag kang mag-alala, si Manang ang bahala. May pera pa ako kaya ihahanda kita sa birthday at graduation mo."
"Samahan na kita, manang" sabi ni Cheche. "Wait, magbibihis lang ako."
"Bilisan mo," sabi niya at naglagay ng lipstick saka lumabas ng bahay.
"May lakad ka?" tanong ng nanay niyang nagluluto sa kusina.
"Opo," sagot niya. "Hmm? Mukhang mabango ah. Ano 'yan? Wow! Labong na may gata!"
"Syempre paborito mo," sabi ng nanay niya at inilagay ang sahog na bagungon na parang suso pero medyo mapait lang ang lasa nito na paboritong pansahog ng ilang ilonggo. Inilagay ng kanyang ina ang saluyot at okra.
"Thank you, nay. Kain muna kami bago umalis," sabi niya.
"Tao po!" tawag ng isang babae sa labas ng bahay kaya pinagbuksan ni Cheche.
"Aleng Merna," sabi ni Ariane.
"Hello, hija. Magandang umaga. Baka may extra kang pera? Kailangan ko lang pambili ng gatas. Ibabalik ko lang sa susunod ng buwan," sabi ni Aleng Merna.
"Magkano ho ba?" tanong ng dalaga. Kaya minsan gusto na lang niyang magtago e. Pang lima na itong nangutang sa kanya. Akala siguro nila marami siyang dalang pera galing sa abroad.
"Limang daan lang sana. Isasauli ko lang nextmonth."
"Sige ho," pagpayag niya dahil nahihiya naman siyang tumanggi. Ngayon kapit na lang talaga siya credit card niya. Syempre hindi alam ng mga tao yun dahil akala nila, milyonarya siya.
Nang makapagbigay siya, umalis na rin si Aleng Merna kaya ipinagpatuloy nila ang pagkain.
Masarap magluto ang kanyang ina. Dati silang may restaurant pero dahil sa panirang puri ng ilang customers ay ipinasara kaya tuluyan na silang nalugi. Gusto ng kanyang mga magulang na magpatayo ulit pero alam nilang paulit-ulit lang silang sisiraan at hindi rin makakuha ng permit. Bakit? Dahil hindi sila papayagan ng kanilang mayor na makakuha ng business permit dahil sila mismo ang nagpasara nito. Isa pa, nabaon din sila sa utang nang magkasakit at namatay ang kanyang ama.
"Ang tagal mo na sa Europa, wala ka pa ba talagang nakitang aasawahin?" tanong ng nanay niya nang maupo sa tabi niya at naghihintay na maluto ang ulam.
"Nay naman. Wala akong time," sabi niya.
BINABASA MO ANG
Maid In Italy (R-18)
RomancePangarap niyang yumaman kaya iniwan ang bansang sinilangan para makipagsapalaran sa Europa. Ang hindi alam ng karamihan, isa siyang katulong sa Italya. Walang nakakakita sa mukha ng boss niya maliban sa kanilang mga katulong sa bahay. Maingay ang pa...