36

7.3K 334 104
                                    









Unedited...








"Nakakapagod!" reklamo ni Ariane dahil kahapon pa tapos ang handaan pero heto sila, nagliligpit pa ng gamit para isauli ang mga kaldero't kaserola. Buti nga at paperplate ang ginamit nila kahapon pero may mga plato ring nagalaw dahil sa mga espesyal na bisita.

"Ako na ang bahala rito," sabi ni Gladys.

"Tulungan na kita, nay."

"Wag na. Doon ka na at baka mapano ka pa. Nandiyan naman sina Merna e."

"Sige po. Nay, bigyan mo po ng pera sina John Mark at mga kasama nila ha."

"Oo, ako na ang bahala."

"Manang, kuha tayo ng buko," yaya ni Cheche.

"Ay, gusto ko ng buko. May evap pa ba tayo?"

"Oo, mayroon pa. Doon na lang sa tabing-ilog, mas marami ang kulabo roon," suhestiyon ni Cheche.

"Walang mag-aakyat."

"Nakausap ko na si John Mark," sabi ni Cheche.

"Sige, kuha ako ng lagayan," sabi ni Ariane saka pumasok ng bahay. "Rome?" tawag niya sa asawang nasa kwarto at nagla-laptop. "Busy ka ba?"

"Bakit?"

"Punta kami sa tabing-ilog, kukuha ng buko. Sama ka?"

"Sure. Just a sec."

"Sige, wait ka namin sa labas. Take your time lang muna," sabi niya dahil baka mahalaga ang ginagawa nito.

After 5 minutes, lumabas na si Rome. Naka-walking shorts ito at blue tshirt tapos black slippers.

"Tara na?" yaya niya.

"Uy, John Mark, tara na. Wala kaming tiga-akyat," yaya ni Cheche kaya sumunod ang mga ito. Habang nasa daan, may nadadaanan silang kabataan na sumunod din sa kanila kaya parang magpi-picnic lang sila.

"Kuya, bakit ang tangkad mo?" tanong ng batang lalaking nakatingala kay Rome.

"Kasi kumakain ako nang marami," sagot ni Rome. "At natutulog sa tamang oras."

"Ganun ba 'yun?" tanong ng bata.

"Oo, totoy," sabat ni John Mark. "Kaya nga 'wag puro cellphone at nang tumangkad ka naman."

"Eh bakit ikaw kuya John Mark, bansot ka pa rin?" curious na tanong ng bata.

"Ikaw—eh sa hindi ako natutulog nang maaga noon e. Kaya kung ayaw mong matulad sa akin, matulog kayo nang maaga," sabi ni John Mark na napakamot sa ulo.

Pagdating sa tabing-ilog, umakyat na si John Mark.

"Malinaw ang tubig no?" puna ni Rome.

"Yeah. Marami ang naliligo rito. Tingnan mo mamaya, may maliligo doon sa bandang dulo," sabi ni Ariane. Naalala niya noong teenager pa sila, dito sila madalas na magkita ni Edgar kasama ang barkada. Kunwari sasama lang siya sa kaibigan pero di alam ng nanay at tatay niya na naghihintay na sina Edgar dito.

"Akyat na ko kayo magbiyak ha," sabi ni John Mark.

"Saan na ang itak?" tanong ni Ariane.

"Ewan ko. Si John Mark ang nagdala," sagot ni Cheche kaya tumingala si Ariane kay John Mark na nasa gitna na ng puno.

"Hoy, John Mark, nasaan na ang itak?"

"Ha? Hindi n'yo dinala?" tanong ni John Mark.

"Wala kaming dala ah. Akala ko ba ikaw ang magdadala?" tanong ni Ariane.

Maid In Italy (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon