22

6.4K 325 41
                                    









Unedited... 






Agad na tumalikod siya nang pagmulat niya ay si Rome na nakatunghay sa kanya ang nasilayan niya.

"Morning," bati ni Rome.

"Anong oras na?" bulalas niya saka napatayo pero natigilan nang mapansing wala siyang saplot.

"Nakita ko na 'yan at natikman kaya wala ka nang dapat na itago pa," sabi ng binata.

"Alas diyes na? Bakit hindi mo ako ginising?" Hinanap niya ang damit pero wala siyang makita. "Nasaan ang damit ko?"

"Sinukahan mo kagabi."

Napakagat siya sa ibabang labi. Kaninang madaling araw, hindi na niya nakaya kaya sumuka siya sa sahig na kung saan ay nakakalat ang uniporme niya.

"M—May extra ka bang damit?"

"Feel free sa closet ko."

"I mean pangbabae o uniporme?"

"Kumuha ka ng tshirt ko tapos kumain na muna tayo."

"Kailangan ako sa baba ng mga kasama ko."

"Mas kailangan kita," sabi ni Rome.

"Hindi mo 'ko kailangan."

"According sa maslow's hierarchy, priority ang physiologic needs kasali na ang sex kaya kailangan kita."

"Sa iba mo na lang gawin."

"Saka na. Baka nakabuo tayo kagabi eh," ani Rome at hinila ang upuan. "Upo na."

Kumuha si Ariane ng isang tshirt ng binata at sinuot.

"Wala akong underwear."

"Di mo na kailangan."

"Seryoso, Rome!"

"Okay," pagsuko ng binata sabay taas ng kamay. "May damit diyan sa shower room kaya yan na muna ang suotin mo."

Pumasok ang dalaga sa shower room at nagbihis.

Nang lumabas siya, nakahanda na ang mesa.

"Bababa na ako, hinahanap na nila ako."

"Hindi naman. Sabi ko inutusan kitang ayusin ang closet ko kaya okay lang na magtagal ka rito. Isa pa, hindi pa yata nakaka-recover sa hangover ang mga kasama mo kaya pinagpahinga ko na muna sila."

"Yung passport ko, nasa sa 'yo raw sabi ni Jack."

"Oo, nasa akin. Ako na ang magtago."

"Rome, bawal na kuhain mo ang passport ko."

"Bakit? Anong bawal?"

"Kasi dapat nasa empleyado 'yun."

"Girlfriend naman kita at hindi mo naman kailangan ang passport mo kaya ako na muna ang hahawak. Kunin mo na lang sa akin kapag umuwi ka ng Pinas."

"Girlfriend?" ulit ng dalaga. "Kailan pa?"

"Bakit? Magkasintahan naman tayo ah."

"Rome, ayaw ko—"

"Sa ayaw at sa gusto mo, girlfriend kita, Ariane. Kung ayaw mo akong pakasalan, okay lang. Kaya ko namang maghintay eh."

"Hindi kita kayang bigyan ng anak," sabi ni Ariane na may kumurot sa puso niya.

"So what? If you cant—at least marry me. Makakabuo rin tayo, trust the process basta 'wag ka lang magsawa sa katawan ko," sabi ni Rome.

"Why me?" tanong ni Ariane.

Maid In Italy (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon