Unedited...
"Wow! Dami naman naming pasalubong!" masayang sabi ni Korina habang binubuksan ang bigay ng boss nila. "Ikaw ba? For sure marami ang sa 'yo kasi ikaw ang kasama ni Sir ng two nights doon. Ano? Magkatabi ba kayong natulog, ha?"
"Uy! Magkaiba kami ng kwarto ah," pagsinungaling niya. Napag-usapan na nila ni Rome na iyon ang sasabihin kapag may magtanong.
"Sus. Sayang yung pagkakataon mo, gurl. May two nights ka sana para mapaamo ang mabangis na leon," nanghihinayang na sabi ni Korina at umusog palapit kay Ariane. "Gurl, tingin ko may gusto talaga si sir sa 'yo."
"Kung ano-ano na naman ang iniisip mo."
"Uy, totoo yan ha. Maganda ka, talaga. As in. Sexy at makinis. Para ka ngang modelo e. Noong una kitang nakita, akala ko nga artista ka or asawa ng mayaman kasi yang beauty mo, pang mayaman talaga. Kung malandi ka lang nang kaunti, tiyak makakabingwit ka talaga ng milyonaryo di kaya'y afam na mayaman," kampanteng sabi ni Korina.
"Wala ba kayong gagawin at ang ingay ninyo?" tanong ni Karen na palapit sa kanila.
"Andiyan na ang pinaglihi sa sama ng loob," bulong ni Korina at tumayo. "Wala pa naman. Tinitingnan lang namin ang pasalubong nila sa amin."
"Bakit? Iba ba ang natanggap mo?" tanong ni Karen na nakataas ang kanang kilay.
"Pareho lang naman tayo pero kay Ariane, iba," taas noong sabi ni Korina kaya tumayo si Ariane at kinurot ang kaibigan.
"Pareho lang tayong lahat," sabi ni Ariane.
"Uy, tumigil ka, gurl. Yang bracelet na 'yan, wala kami ha."
Agad na tinakpan ni Ariane ang bracelet na bigay ni Rome.
"Fake naman 'to, hindi to galing kay señorito," pagsisinungaling niya.
"Sus, ngayon ko lang nakita 'yan," ani Korina.
"Ngayon ko lang sinuot pero bigay talaga ng kapatid ko 'to. Syempre hindi naman niya afford ang mamahalin kaya mukhang mumurahin lang 'to. Unisilver ata," sabi niya.
"Hindi ako interesado! Bumalik na kayo sa trabaho ninyo!" utos ni Karen.
"Bakit hindi ka rin bumalik sa trabaho mo?" tanong ni Korina kaya inirapan siya ni Karen at tinalikuran.
"Kita mo 'to kung umasta, parang sya ang mayordoma eh," ani Korina.
"Tara na nga, maglinis na tayo sa taas," yaya ni Ariane.
Nilinis nila ang theater room at ngayon ay study room naman kahit na wala namang dumi.
"Ariane," tawag ni Jack nang pumasok sa study room.
"Bakit?"
"Linisin mo raw yung kwarto ni sir," sabi ni Jack.
"Pero di ba si Tiya Pandora ang naglilinis nun?" tanong niya.
"May ginagawa sya kaya ikaw ang pinapalinis niya," sabi ni Jack at napasulyap kay Korina na naglilinis. Na-gets naman ni Ariane ang nais ipahiwatig ni Jack kaya napilitan siyang iwan ang kaibigan.
"Okay lang ako rito, patapos na rin naman tayo," sabi ni Korina.
"Maiwan na muna kita," paalam niya at umalis na. Bitbit ang panlinis, kumatok siya ng ilang beses. Mayamaya pa'y narinig niya ang pag-click ng pinto kaya tinulak niya at pumasok.
"Ano ang lilinisin ko?" tanong niya at inilapag ang panlinis.
"Busy ka ba?"
"Naglilinis ng study room. Kakatapos lang namin sa theater."
BINABASA MO ANG
Maid In Italy (R-18)
RomancePangarap niyang yumaman kaya iniwan ang bansang sinilangan para makipagsapalaran sa Europa. Ang hindi alam ng karamihan, isa siyang katulong sa Italya. Walang nakakakita sa mukha ng boss niya maliban sa kanilang mga katulong sa bahay. Maingay ang pa...