35

5.8K 371 73
                                    






Unedited...



"Ariane!" tawag ni Rome nang pagbaba ay tumakbo si Ariane papasok sa bahay.

"Pagpasensyahan mo na si Ariane, ha. Ganyan talaga ang mga buntis, masyadong sensitive," paumanhin ni Gladys na sya na lang ang nahiya sa kilos ng anak.

"Alam ko naman ho nanay," sabi ni Rome.

"Kuya, wag ka sanang magsawa kay Manang. Sa pagbubuntis lang din ho niya 'yan," sabi ni Cheche.

"Salamat sa inyo. Congrats, Che. Magaling ka rin pala sa pageant. Pwede kang maging model."

"Ay, talaga, kuya?" ani Cheche.

"Oo naman," sabi ni Rome.

"Oh siya, matulog na tayo. Mag-aalas dose na, maghahanda pa tayo bukas," sabi ni Gladys kaya pumasok na sila sa bahay.

Naligo muna si Rome at nang pagpasok sa kwarto ay nakahiga na ang asawa.

"Baby," aniya saka niyakap ito. Alam niyang gising pa si Ariane at naririnig sya nito.

"Gusto ko nang magpahinga, Rome!"

"Hindi naman kita gagalawin kapag ayaw mo," sabi ni Rome. "Wag kang magselos, wala kaming relasyon ni Elizabeth. Bakit ko naman siya magustuhan eh ikaw ang mahal ko?"

"Malay ko ba kung two timer ka?"

"Hindi ako gagawa ng bahay na ikakasira ng pamilya natin," sabi ni Rome. "Alam kong dala lang 'yan ng pagbubuntis mo. Hindi kita ipagpalit kahit kanino, baby."

"Pagod na akong may kaagaw," sabi ni Ariane.

"Wala kang kaagaw sa akin," sabi ni Rome. "Kahit kailan, never kang nagkaroon ng kaagaw sa buhay ko."

"Matulog na tayo," sabi ni Ariane. Naramdaman niya ang paghimas ni Rome sa sinapupunanan niya kaya hinayaan niya lang hanggang sa hilain siya ng antok.

Kinabukasan, nagising siyang wala na si Rome sa tabi niya kaya napabangon siya.

"Morning," bati niya sa ina. "Si Rome?"

"Sa labas, tumulong sa mga naghahanda ng pagkain," sagot ng ina. Alas singko pa lang ay nagsimula na sina John Mark na magluto.

"Bakit siya tumulong?" tanong niya. Kahit na asawa niya ito, iniisip pa rin niya na boss niya ito at hindi sanay sa trabaho rito sa probinsya.

"Hay na bata ka. Wag mo ngang awayin ang asawa mo," ani Gladys.

"Pero nay—"

"Ikaw 'pag magsawa 'yan, mahihirapan ka rin. Hindi porket mahal ka ng tao eh, palagi ka na lang magagalit kapag gusto mo kahit na wala sa tama. Isipin mo rin naman siya. Nahihiya rin 'yon sa ibang tao kapag mag-inarte ka. Dapat hindi ganyan na ipahiya mo siya. May hangganan din ang mga lalaki, Ariane. Wag kang makampante. Kung gusto mong tumagal ang pagsasama ninyo, palagi ninyong isipin ang mararamdaman ng isa't isa at higit sa lahat, magrespetuhan kayo," mahabang payo ni Gladys.

"Oo na," sabi ni Ariane saka lumabas para hanapin si Rome.

"Uy, Ariane!" tawag ni Aleng Merna na nagkukudkod ng papaya para gawing atsara. "Pogi ng asawa mo ah!"

"Hindi naman masyado," sabi niya na nanlaki nang makitang topless ang asawa habang nagbibiyak ng kahoy kaya sa kanya ang mga mata ng kapitbahay na tumutulong sa pagluluto. "Excuse me ho," paumanhin niya saka dali-daling pinuntahan si Rome.

"Baby," ani Rome. "Morning."

"Ginagawa mo rito?" mahinang tanong niya.

"Nagpapapawis," sagot ni Rome.

Maid In Italy (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon