30

5.9K 291 61
                                    












Unedited...










Napatingin si Ariane sa engagement ring nila ni Rome. Kasal na sila, civil lang dahil minadali ni Rome. Isa pa, may plano rin silang mag-church wedding pagkatapos niyang manganak. Noong sinabi ni Rome na magpakasal sila civil, nakiusap siya na 'wag itong magbigay ng wedding ring dahil gusto niya isang wedding ring lang at kapag nasa simbahan na. Ayaw sana ng asawa ni Rome pero mas lalong ayaw niyang magsuot ng dalawa ang wedding ring.

Bukas na ang flight nila ni Korina at usapan nila ay susunod na lang si Rome kapag maayos na ang gusot sa factory sa Milan.

"Baby, sa study room lang muna ako ha, may virtual meeting kami," paalam ni Rome.

"Okay."

"Kailangan mo ba ng tulong? Ipatawag ko sina Mary at Eds."

"Wag na. Kaya ko na 'to, nag-i-enjoy ako," sagot niya.

"Sure ka?"

"Oo," sagot niya at sinimulang ilagay ang mga sabon at pabango sa iisang malaking maleta.

"What the heck!" bulalas ni Rome nang makita ang laman ng isang box. "Are you sure na 'yan ang dadalhin mo?"

"Yes."

"Ghad, Ariane. Wala bang Lux at Colgate sa Pilipinas? Jusko naman!" bulalas ni Rome dahil akala niya kung ano ang pinahabol ni Ariane na ipabili kay Jack. "At ano 'yang Dove? Daming Dove sa Pilipinas."

"Iba pa rin kapag galing dito sa abroad," sabi ni Ariane.

"Oh, fuck! Bakit may Ariel ka pa?" bulalas ni Rome. "Tanggalin mo 'yan."

"Haist. Hayaan mo na ako. Lumabas ka na nga. Late ka na."

"Ako ang boss kaya maghintay sila," sabi ni Rome saka binuhat ang asawa saka ibinalik sa kama.

"Rome naman," aniya. "Alis—uhmp!" Hindi na niya natuloy ang sasabihin nang angkinin ni Rome ang mga labi niya. Hinawakan nito ang magkabilang bewang niya saka hinila palapit sa katawan nito at marahang kinagat ang ibabang labi.

"Wag na lang kaya ako makipag-meeting," sabi ni Rome habang nakatitig sa asawa.

"Mahalaga 'yun," sabi ni Ariane.

"Mas mahalaga ang misis ko," ani Rome saka pinaliguan ng halik sa mukha si Ariane. "I can't resist you, baby." Muling ibinaon niya ang mga labi sa malambot na mga labi ni Ariane. Wala naman talagang lasa pero sarap na sarap siya. "Nakakaadik ka," aniya nang tumigil.

"Sige na, mag-iimpake pa ako," ani Ariane. "Naiipit na si baby."

"Okay," pagsuko ni Rome at tinulungan ang asawang tumayo. Hinipo niya ang tummy ni Ariane. "Work muna si daddy ha. Wag mong pahirapan si Mommy."

"Behave naman siya," sabi ni Ariane. Mag-aapat na buwan pa lang ang tiyan niya pero halatang-halata na kaya nagma-maternity dress na siya. "Hey!" aniya nang pagtayo ay niyakap na naman siya ng Rome.

"I love you," ani Rome saka muling hinalikan ang asawa. "Babalik ako agad," ani Rome saka lumabas na kaya napailing si Ariane at ipinagpatuloy ang ginagawa. Hindi niya mapigilan ang ngumiti. Sana naman hindi sila matulad sa ibang mag-asawa na sa una lang masaya.

Syempre magdadala talaga siya ng ganito kaysa bibili pa siya pagdating. May mga delata rin siyang dala gaya ng maling at corned beef. Nang matapos ilagay sa malaking maleta, hinanda naman niya ang maleta para sa damit niya.

Binuksan niya ang closet para pumili ng dadalhin. Naalala niya ang aklat na binili sa Venice na ipanregalo kay Cheche kaya binuksan niya ang cabinet. Muli niyang nakita ang diary ni Rome.

Maid In Italy (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon