13

7.5K 301 34
                                    






Unedited...





"Akala ko ba matutulog lang tayo?" tanong ni Ariane habang yakap siya ni Rome na pareho nilang hinahabol ang kanilang hininga.

"Ngayon pwede ka nang matulog," bulong ng binata saka hinalikan siya sa noo. "Syempre kailangan muna nating magtrabaho para sa baby natin."

"Puro na lang baby," bulong ng dalaga.

"Ayaw mo bang may kaagaw sa pagiging baby ko?" pilyong tanong ng binata. "Pwede namang wala tayong baby basta ako lang din ang baby mo."

"Matutulog na ako," sabi ng dalaga saka tumayo para mag-halfbath muna.

Sinundan siya ni Rome sa shower room.

"Labas ka muna."

"Nakita ko na 'yan lahat, ngayon ka pa mahiya?" anito saka binuksan ang shower at naligo. Hinatak niya si Ariane kaya nabasa ito sa ilalim ng shower. "Wag kang pumalag, madulas."

"Nakakainis ka," sabi ni Ariane saka nagsimulang maligo.

Nang matapos, pinatuyo niya muna ang buhok at nahiga na sa kama habang si Rome ay busy sa laptop.

"Hindi ka ba matutulog?"

"Gusto mo ba talagang tabihan kita?" nakangiting sagot ng binata. "Matulog ka na, gisingin na lang kita mamaya."

Dahil sa sobrang pagod, nakatulog agad ang dalaga. Pasado alas sais na nang gisingin siya ni Rome para pumunta at humanda na sa fashionshow na gaganapin lang sa loob nitong hotel na tinutuluyan nila.

"May dadalhin ba akong gamit?" tanong niya.

"Wala. Samahan mo lang ako," sagot ng binata nang palabas na sila. Isinara niya ang pinto at tinago sa bulsa ang keycard ng hotel.

Ang daming model sa hallway. Ang dami ring pumapasok na media para i-cover ang fashionshow.

"Let's go sa dressing room," yaya ng binata at hinila ang dalaga patungo sa dressing room nila.

"Boss," ani Jack nang pumasok sila.

"Handa na ba ang lahat?"

"May isang model pa na hindi nakarating. Galing pa siya sa kabilang fashion show kaya hindi ko rin alam kung aabot pa siya pero hindi pa raw sila nagsisimula roon. Abutin ng mahigit isang oras ang byahe," sagot ni Jack.

"Hindi na siya makakahabol," sabi ni Rome.

"Sir," sabi ng pinagkatiwalaan nilang designer. Ngayon lang nagpakita backstage si Trevi kaya nagulat sila. Kadalasan ay nasa audience lang ito, naka-maskara at never na nagpapakilala kahit sa mga model nila dahil pagkatapos nitong gumawa ng design at ma-approved ang final touch ng damit ay hindi na nakikialam pa.

"Wala na bang naiwan na damit?" tanong ni Rome na napatingin sa isang natirang damit na naka-hanger na sana ay isuot ng isang model nila.

"Wala na ho, señorito."

"Ano ang gagawin mo?" tanong ni Ariane dahil nag-aalala rin lalo na't mukhang mahalaga sa binata ang fashion show na ito dahil nandito rin ang kaibigan.

"It's okay," ani Trevi saka tinawag ang isang makeup artist. "Pakiayos ng mukha at buhok niya," utos niya sabay tulak kay Ariane.

"Bakit?" nagtatakang tanong ng dalaga.

"Boss?" gulat na tanong ng makeup artist.

Napatingin si Rome sa relo. "You still have thirty minutes."

"Rome, ano to?" takang tanong ng dalaga. "Pupunta ka lang sa gitna, turn around and balik sa stage, baby."

Napanganga si Ariane.

Maid In Italy (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon