Unedited...
Tumayo si Ariane at nagbihis habang si Rome ay nanatiling nakahiga sa kama at pinagmasdan ang dalaga.
"Marami ka pa bang gagawin?" tanong ng binata.
"Busy na ako kaya kung may iutos ka, sa iba na lang," sagot ni Ariane na parang nagsisi dahil sa naging karupukan.
"Napagod ba kita?" nakangising tanong ni Rome saka tumayo at kumuha ng tubig. Ni hindi inalintana ang kahubaran sa harapan ng dalaga.
"Kung wala ka nang iuutos, lalabas na ako," paalam niya nang matapos pero nahawakan ni Rome ang kanang braso niya.
"Ano? Iiwas ka na sa akin?" tanong ng binata saka hinawakan ang pisngi ni Ariane.
"Boss kita kaya wala akong karapatang umiwas," sabi niya. Ganito ba ito sa iba? Ginagamit din kaya nito ang ibang katulong dito? Pero sabi nila, hindi pa nila nakita si Rome, maliban kay Karen. Hindi kaya ginagamit din nito si Karen at nagsawa na kaya siya na naman ang trip nito?
"Ano ba ang nasa isip mo?" salubong ang kilay na tanong ng binata.
"Wala," sagot ni Ariane at iniwas ang tingin. "Magbihis ka na, señorito."
"Why? Pinagsawaan mo na ba ang katawan ko?"
Hinila niya ang braso kaya nabitiwan siya nito.
"Sana ito na ang huli," sabi niya.
"Huling what?"
"Huling pagtatalik!" sagot niya kaya napaismid si Rome.
"Ako ang magde-decide kung kailan tayo matatapos lalo na't nasa pamamahay kita, Ariane!"
"Marami namang babae riyan!"
"Marami rin namang lalaki riyan," ani Rome kaya pinakalma niya ang sarili.
"Lalabas na ako," paalam niya. "Gusto mo bang palitan ang bedsheet mo?"
"Why?" tanong ng binata at napasulyap sa kama.
"Baka kasi nadudumihan ka dahil nahiga ako kanina," sagot niya.
"Pinasok ko ang katawan mo tapos ngayon mo pa sabihing madudumihan ako?"
"Fine! Labas na ako," sagot ng dalaga saka lumabas matapos ayusin ang sarili. Bitbit ang pinagkainan ni Rome, maingat na isinara niya ang pinto.
"Bakit ang tagal mo sa kwarto ni señorito?" tanong ni Karen nang makasalubong siya.
"M—May pinagawa pa siya," pagsinungaling niya. Kinakabahan siya dahil baka mahuli siya nito or baka kung ano ang isipin.
"Like what?"
"K—Kung ano-ano," sagot niya. Bakit ba napakaususira nito?
"Anong kung ano-ano?" mataray na tanong ni Karen. Maliban kay Tiya Pandora, si Ariane lang ang tumagal sa loob ng silid ng boss nila.
"Mag-ayos ng damit at sapatos tapos maglinis ng mga books niya," sagot niya na malapit nang mapikon. "Kung wala ka nang itatanong, bababa na ako. Si Señorito na lang ang tanungin mo ng mga pinagawa niya sa akin." Tinalikuran niya ito. Badtrip na nga siya, ito pa ang nakasalubong niya.
Buti at hindi na si Rome nagtawag pa sa kanya kaya nang matapos siya sa gawain, lumabas siya sa hardin para magpahangin. Napasulyap siya sa mga rosas na gumagapang sa gilid ng gate. Nakakatuwa lang dahil kapag winter, parang namamatay ang mga ito pero kapag magsimula nang mag-spring, paunti-unting nagkakaroon ng dahon kagaya ng ibang puno at bulaklak.
BINABASA MO ANG
Maid In Italy (R-18)
RomancePangarap niyang yumaman kaya iniwan ang bansang sinilangan para makipagsapalaran sa Europa. Ang hindi alam ng karamihan, isa siyang katulong sa Italya. Walang nakakakita sa mukha ng boss niya maliban sa kanilang mga katulong sa bahay. Maingay ang pa...