31

6.2K 367 119
                                    




Author's note:

Hi, sa tagalog ko na lang po isulat ang convo nila. Nakakatamad kasi magsulat ng double. For example: Natak-an na ko abi magsulat, makapoy magpanumdom kay daw mabuka utok ko. (Natamad na kasi akong magsulat at nakakapagod mag-isip kasi parang mabibiyak ang utak ko) Hahahahaha.

Kapag may marinig kang malambing talaga or sobrang soft na magsalita sa Hiligaynon, mga taga Iloilo City 'yan sila. Yung province kasi more on R instead ng L.

Bakit sa ibang story ko na taga Antique ay Hiligaynon ang gamit ko? Is Antique part of Iloilo? No! Makakaintidi ang mga taga Antique ng Hiligaynon pero hindi lahat ng taga Iloilo ay makakaintindi ng salita ng taga Antique kasi sobrang karay-a sila. Like "Wara". Don't get confused kasi Antique, Iloilo, Aklan and Capiz is magkakatabi lang 'yan sila. Pwede kang mag-travel by land. Negros naman is seperate, kailangan mo pang tumawid sa dagat pero Hiligaynon din sila same sa Iloilo.

Antique-Karay-a
Iloilo-Hiligaynon
Aklan-aklanon/akeanon.
Capiz-Capiznon/Hiligaynon
Negros-Hiligaynon

Next scene is very common na so expected na yung mga pangyayari.












Unedited...










"Nanay!" tili ni Ariane nang pagdating sa bahay ay sinalubong sila ng ina.

"Ariane! Anak!" naiiyak na sabi ng kanyang ina saka mahigpit siyang niyakap. "Hala, buntis ka nga!"

Ngumiti si Ariane.

"Mag-apat na buwan na po," sabi niya.

"Apat na buwan pa lang? Nakapagpa-checkup ka na ba? Baka kambal 'yan."

"Ha? Wag naman uy," sabi ni Ariane.

"Malaki ang tiyan mo kaya baka kambal. May lahi ba silang kambal?" tanong niya kaya napangiwi si Ariane.

"Eh, ayoko. Ang hirap manganak," sabi ni Ariane. "Joke lang, baby," bawi niya. "Natakot lang si Mommy ha."

"Gusto ko kambal," ani Cheche na buhat ang maleta saka inilagay muna sa balkon nila at binalikan pa ang isa. "Manong, palagay na lang ho rito," pakiusap niya sa driver ng taxi.

"Nay? Galit ka ba?" tanong ng dalaga.

"Matanda ka na. Di ba gusto ko nga magkaapo," sagot ng ina niya saka ngumiti.

"P—Paano kung wala hong ama ang baby?" tanong niya dahil hanggang ngayon, hindi pa rin nagcha-chat si Rome sa kanya.

"Ayaw ka niyang panindigan?" salubong ang kilay na tanong niya sa anak.

"Hindi naman ho sa ganun," sabi niya.

"Palalakihin natin ang bata kahit na walang ama," sabi ng ina. "Sa panahon ngayon, hindi na uso ang buo ang pamilya kung iresponsable naman ang ama ng bata. Minsan mas okay na single parent ka na lang kaysa sa magkaroon ng asawang babaero, sabongero at lasenggero. Ma-stress ka lang. Okay na may anak ka."

Ngumiti si Ariane saka niyakap ang ina.

"Kasal na ho ako, nanay," sabi niya saka pinakita ang singsing.

"Ha? Kasal na kayo, manang?" sabat ni Cheche.

"Oo, kasal na kami bago ako umuwi."

"Akala ko ba after mo pang manganak," sabi ni Cheche.

"Kayong dalawa ang dami ninyong tinatago sa akin ha."

"Magpapakasal kami ulit," sabi ni Ariane pero nakaramdam ng pagkabahala. "Trust him," paalala ng utak niya. Wala pa namang 48 hours na hindi sila nag-uusap ni Rome e. Nasabi na rin ng asawa na magiging busy ito. Pero what if kaya siya pinauwi dahil gusto nitong balikan si Kency at what if fake lang ang kasal nila? Naguguluhan siya.

Maid In Italy (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon