25

7.1K 355 97
                                    







Unedited...







Sobrang lakas ng katok kaya napabangon si Ariane para pagbuksan ang kumakatok. Sobrang naalimpungatan siya kaya wala sa sariling binuksan niya ang pinto.

"Ariane!" bulalas ni Korina.

"Oh? May problema ba?" nagtatakang tanong niya.

"Bakit hindi ka pa nakabihis? Anong oras na?"

"Ha?" tila nahimasmasan siya. Nanlaki ang mga mata niya nang maalalang isa pala siyang katulong sa mansion. Pabagsak na isinara niya ang pinto nang paglingon ay nakita niyang nakaupo si Rome sa sofa at nagkakape.

"Wait lang, susunod ako!" hiyaw niya at dali-daling tumungo sa banyo saka naghilamos at nag-toothbrush.

"Ano ba ang minamadali mo?" tanong ng binata habang nagbibihis siya.

"Utang na loob, Trevi! Lumabas ka na. Bakit nandito ka pa? At saan galing ang kape mo?"

"Hiningi ko kay Yaya Pandora," sagot ng binata kaya napaharap siya kay Rome at nagtatanong ang mga mata. "I went out tapos humingi sa kanya ng kape kasi siya pa lang ang gising kanina."

"Did she saw you na dito lumabas o pumunta?"

"Sabay kaming lumabas."

"What? Trevi naman!"

"Sabi ko may pag-uusapan lang naman tayo," sabi ni Rome. "Relax. Hindi ka naman nila aanuhin."

"Oh, ghad!" aniya saka sinuod ang uniporme at nagsuklay.

"Please lang, wag kang magpakita sa kanila na dito ka galing."

"Ginagawa mo akong magnanakaw, baby."

"Eh! Pwede ba?" asik niya saka lumabas at tumungo sa kusina.
Nine thirty na pala.

"Okay lang naman na late ka, nakapagluto na sila at sabi ni Tiya Pandora, wala tayong gagawin ngayong araw," sabi ni Korina.

"Talaga?"

"Oo," sagot ni Korina. "Tulungan mo na akong dalhin tong breakfast nila," sabi ni Korina kaya agad na tumulong si Ariane.

Nasa table na ang mga ito kasama si Kency.

"Anong ulam?" tanong ni Madrid.

"Nilagang baka po," sagot ni Korina.

"Nag-enjoy ba kayo kagabi?" tanong ni Madrid.

"Yes, señorita. Salamat sa palibre mo," sagot ni Korina.

"Mabuti naman," ani Madrid saka humarap kay Kency. "Ate, pasama tayo kay Kuya mamaya na mag-shopping before ka umuwi, ha."

"Oh, bet ko 'yan," excited na sabi ni Kency.

"Oh, morning po, kuya," bati ni Madrid nang makita si Rome na palapit sa table.

"Kain na, Rome," yaya ni Elias.

"Ang kambal?" tanong ni Rome.

"Sa taas, inaalagaan ni Karen," sagot ni Elias.

"Good," sabi ni Rome saka hinila ang silya at naupo.

"Kuya, hindi ka ba nagpalit ng damit? Yan pa ang damit mo kagabi ah," puna ni Madrid kaya napatingin si Ariane sa binata.

"I was naked all night," sagot ni Rome saka napasulyap kay Ariane.

Naikuyom ni Ariane ang magkabilang kamao dahil hindi alam ang gagawin. Tumalikod siya para kunin ang natitirang pagkain.

Maid In Italy (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon