33

5.8K 355 70
                                    








Unedited...








"Morning, 'nay," bati ni Ariane nang lumabas.

"Morning. Nakatulog ba nang maayos ang asawa mo? Baka hindi siya sanay kasi wala tayong aircon," tanong ni Gladys habang nagluluto ng alogbati na may kalabasa at okra. Ito ang request ng anak sa breakfast nila. Nagluto rin siya ng embutido at chorizo para kung sakaling hindi magustuhan ni Rome eh, may option pa ito.

"Morning, 'nay," bati ni Rome nang lumabas.

"Morning. Nakatulog ka ba nang maayos, hijo?" tanong ni Gladys. "Or baka naiinitan ka."

"Okay na ho ako sa electric fan, nanay," sagot ni Rome. "Medyo natitigasan lang ho ako sa foam."

"Ay, ganoon ba? Manipis lang 'yung nabili namin eh," sabi ni Gladys.

"Okay lang po. Bibili na lang kami ni Ariane mamaya ng bago," sabi ni Rome.

"Si Cheche?" tanong ni Ariane.

"Maaga pa siyang sinundo ng kaibigan para mag-practice ng talent niya mamayang gabi," sagot ni Gladys.

"Para saan?" tanong ni Rome.

"Sasali siya sa beauty contest mamaya," sagot ni Ariane.

"Ganoon ba?" ani Rome.

"Kumain na kayo. Bawal kang magpagutom, Ariane. Kumain ka nang marami ha."

"Sabay ka na po, 'nay," sabi ni Rome kaya sabay na silang nag-breakfast.

"May papabili ka, 'nay?" tanong ni Ariane.

"Saan kayo mamili?"

"Sa Passi na lang ho siguro," sagot ni Ariane.

"Wala naman."

Nang matapos kumain, naligo muna sila at tumungo sa Passi City para tumingin ng foam.

"Okay na 'to siguro," sabi ni Ariane nang mahawakan ang foam. Maganda ang quality, malambot at makapal. "Ay, hindi 'to kasya sa kama ko. Mas malapad 'to."

"Sure ka?" tanong ni Rome.

"Oo."

"Then let's buy this," ani Rome.

"Hindi nga kasya sa bed ko."

"Okay lang, ako ang bahala," sabi ni Rome saka tinawag ang nagtitinda. Napatulala pa ito kay Rome pero natauhan nang ipinulupot ni Ariane ang mga kamay sa kanang braso ng asawa.

"Ito ba ang kukunin ninyo, sir?" tanong ng saleslady na napasulyap sa tiyan ni Ariane.

"Depende sa asawa ko," sagot ni Rome. "Hindi na siguro sasakit ang likod natin, baby," sabi ni Rome sabay halik sa noo ni Ariane. "What do you think?"

"Pwede na," sagot ni Ariane.

"Miss, pakisabing ito na ang kukunin namin. Pwedeng pa-deliver na lang? Magbabayad kami ng delivery fee," sabi ni Rome.

Paglabas, napalibutan ng mga tao ang sasakyan ni Rome at ang iba ay nagpa-picture pa.

"Uy, ayan na ata ang may-ari," saway ng matanda. "Pag yan magasgasan, wala kayong pambayad."

"It's okay," sabi ni Rome at ngumiti. Ngayon lang niya naranasan ang ganito. Hindi matutumbasan ng pera ang tuwa sa mga mata ng kabataang ito. Unlike sa Italy na kahit mamahalin ang sasakyan, titingin lang ang mga tao pero hindi magpapa-picture dahil may iilan din namang may lamborghini. He can't blame them.

Nang matapos ang mga bata sa pagpa-picture ay sumakay na sila at dumaan muna sa Jollibee at nag-take out.

"Ipapagawa natin ang bahay n'yo," sabi ni Rome habang nagmamaneho pauwi.

Maid In Italy (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon