Chapter 11 na pala, di ko namalayan. Hahahahaha. Sige na nga, start na tayo😂
Unedited....
Bago sila umuwi, dumaan muna sila sa isang building na kung saan mga paupahan na parang condo style.
"Ano ang gagawin natin dito?" tanong niya nang tumigil ang sasakyan.
"Samahan mo 'ko, may kukunin lang ako," sabi ng binata.
"Si Jack ang isama mo," sabi ng dalaga.
"May gagawin pa ako rito sa sasakyan," pagdadahilan ni Jack na alam naman niyang gustong masolo ng boss si Ariane.
"Kapag wala ka pa ng five minutes, maghanap ka na ng trabaho mo sa Pinas," seryosong sabi ni Rome at nauna nang bumaba saka pumasok sa building.
"Sundan mo na," sabi ni Jack.
"Kung ikaw ang sumunod sa kanya!" inis na sabi niya.
"Alam mo naman na kaya ka niyang ipa-deport," may halong pagbabantang sabi ni Jack.
"Talagang magkakampi kayo, ano?" nakataas ang kanang kilay niya. "Baka nakalimutan mo, Jack! May kasalanan ka pa sa akin!"
"Hala, inosente ako," sabi ni Jack. "Wala akong kinalaman diyan ha."
"Talaga, Jack? Samahan mo na ang pinsan mo sa taas!" utos niya kaya napangiwi si Jack.
"To naman. Kalimutan na natin yung nangyari. Si boss ang nagsabi nun e. Malay ko ba," pagtatanggol niya sa sarili. Paano kasi nung sinundo niya si Rome ng sasakyan, nagulat si Ariane kaya ipinakilala siya nitong pinsan at yung sasakyan ay sa boss lang niya.
"Iuntog talaga kita!" inis na sabi ng dalaga saka bumaba at pumasok sa building.
Hindi naka-lock ang pinto sa unang unit kaya pumasok siya sa loob.
Iginala nya ang paningin sa loob ng unit. Kumpleto ang mga gamit.
"May kukunin ka rito?" tanong niya sa binatang nakaupo sa sofa.
"Manood muna tayo ng TV."
"Señorito, pwede ka namang manood sa bahay."
"Nagustuhan mo ba ang bahay na 'to?" tanong ni Rome.
"Bakit mo ako dinala rito?" tanong niya.
"Binili ko ang unit na 'to," sagot ng binata saka tumayo at lumapit sa dalaga. "Simple lang pero dito ko naramdaman na parang nasa tahanan ko na ako. Dalawang linggo lang naman ako tumira dito tapos napamahal na ako sa unit na 'to."
Naupo si Ariane sa sofa saka nakipanood ng TV.
"Nagugutom ka na ba? Magluluto ako ng dinner, dito na tayo kakain," sabi ng binata saka tumayo at tumungo sa ref. Puno ang ref niya dahil pinalagyan niya kay Jack. Isang linggo pa lang naman kaya hindi pa nasisira ang gulay.
"Kakakain lang natin."
"Kanina pa 'yun," sabi ng binata. "Matagal pa naman maluto dahil matigas pa ang karne."
Hindi sumagot si Ariane. Nahiga siya sa sofa saka ipinahinga ang sarili. Sa sobrang dami ng iniisip niya, hindi na niya alam kung ano ang uunahin. Pagod na hindi lang ang utak nya kundi ang katawan niya.
Pakiramdam niya ay may nakatitig sa kanya kaya dumilat siya. Mukha ni Rome na nakaupo sa sahig at nakatunghay sa kanya ang nasilayan niya. Hindi siya gumalaw. Nakatitig lang sila sa isa't isa at tila sinasaulo ang bawat detalye sa kanilang mukha.
"Ready na ang pagkain, kain na tayo," yaya ng binata at tumayo. Naamoy nga ni Ariane ang luto nitong kare-kare kaya bumangon siya.
"Nakatulog pala ako," sabi niya saka lumapit sa mesang pang dalawahan lang.
BINABASA MO ANG
Maid In Italy (R-18)
RomancePangarap niyang yumaman kaya iniwan ang bansang sinilangan para makipagsapalaran sa Europa. Ang hindi alam ng karamihan, isa siyang katulong sa Italya. Walang nakakakita sa mukha ng boss niya maliban sa kanilang mga katulong sa bahay. Maingay ang pa...