Unedited...
"Nay, si Rome?" tanong ni Ariane nang magising.
"Umalis, may kikitain ata. Parang sa pagkakarinig ko eh, gustong palitan ang sasakyan," sagot ni Gladys.
"Si Cheche?"
"Umalis na naman. Isusukat daw ang gown."
"Marami naman akong gown ah."
"Nasuot mo na 'yun e. Bahala na ang handler niya."
"Kung sabagay," ani Ariane. "Ano pong ulam?"
"Nagluto ako ng salmoneteng isda at bangus. Ewan kung gusto ng asawa mo."
"Wala siyang choice," sabi ni Ariane na curious kung ano ba ang nasa isip ni Rome? Siguro gusto na nitong bumalik sa Italy dahil sa bahay nila at pinapakain sa kanya.
Kinuha niya ang cellphone. May ilang chat sa Messenger at Whatsapp na galing sa asawa.
"Matuto ka talagang mag-chat!" sabi niya dahil kung hindi, block na naman niya ito. Nasa kakilala raw ito at balak na papalitan ang sasakyan. Hindi naman kasi siya mahilig sa mamahalin. Mas mahalaga sa kanya na may pagkargahan kasama ang pamilya.
"Anong oras ba mag-start ang contest? Alas siete ba?"
"Oo, nay. Kaya maaga pa tayong kumain para sumuporta kay Cheche," sagot niya. May handler ang kapatid kagaya niya kaya wala silang iisipin. Sayang pala at nakalimutan niyang magdala ng gown na pwede sanang gamitin ng kapatid mamaya.
Nag-chat si Cheche na doon na ito kakain sa handler at diretso na rin daw sila mamaya kaya kumain na sila. Matagalan pa raw si Rome.
"Magbihis ka na, ako na ang bahala ritong magligpit," sabi ni Gladys.
"Sabay naman tayong aalis eh," sabi ni Ariane na tinulungan na ang ina.
Naligo muna siya saka nagpalit.
"Wala pa ba ang asawa mo?"
"Ewan ko sa kanya. Pauwi pa lang daw e. Mauna na tayo, 'nay," sabi niya.
"Hintayin na natin."
"Mag-uumpisa na, kailangan ng suporta ni Cheche," sabi ni Ariane. "Isa pa, may kasama raw siyang tagarito kaya alam niya ang lugar."
"Sige. Mag-tricycle na lang tayo," sabi ni Gladys at isinara ang pinto.
"Yung kakatayin pala sa handa bukas?" tanong ng dalaga.
"Si John Mark na ang bahala roon. Ipapakatay nila mamayang madaling araw. Sila na rin ang bahala sa paghanda ng pagkain."
Sumakay sila sa tricycle patungo sa kabilang barangay. Madilim na ang paligid. Puno na rin ng tao ang loob ng gym na pagdausan ng beauty contest.
"Uy, Ariane!" tawag ni Sofia kasama si Jennifer. "Uy, sasali si Cheche, 'di ba? Support kami."
"Salamat," sabi ni Ariane. "Mga taga saan ba makakalaban niya?"
"Mga taga Calinog lang din pero may mga nakuha pa yata sila sa City. Mostly lang naman mga taga ibang barangay pero kayang-kaya 'yan ni Cheche lalo na sa Q and A," sagot ni Jennifer. "Congrats pala sa baby mo. Sabi ko na nga ba kailangan humabol ka na eh."
"Salamat sa bag ha," sabi ni Sofia na dala na ang bag na regalo ni Ariane.
"Mabuti at nagustuhan mo kahit na class A lang."
"Class A ba talaga 'to? Sabi ng kaibigan ko, original 'to eh," sabi ni Sofia.
"Tara na, hanap na tayo ng upuan," yaya ni Ariane dahil ayaw nang gawing topic.
BINABASA MO ANG
Maid In Italy (R-18)
RomancePangarap niyang yumaman kaya iniwan ang bansang sinilangan para makipagsapalaran sa Europa. Ang hindi alam ng karamihan, isa siyang katulong sa Italya. Walang nakakakita sa mukha ng boss niya maliban sa kanilang mga katulong sa bahay. Maingay ang pa...