Author's note:
Unedited...
"Oh? Ba't ganyan ang mukha mo?" tanong ni Gladys nang madatnan ang anak na nagsusunog ng mga litrato. "Nanghihinayang ka?" alam na may hinala na siya kung ano ang sinusunog nito.
"Tingin mo may panghihinayangan ako?" tanong ni Ariane.
"Ikaw talaga. Mabuti at naisipan mo 'yan dahil away nyong mag-asawa lang 'yan balang araw."
"Nay?" ani Ariane saka humarap sa ina. "May tanong po ako."
"Ano?"
"Nay, ampon ba ako?" tanong niya.
"Pinagsasabi mo?" tanong ni Gladys. "Kamukha ka kaya ng tatay mo."
Napasimangot si Ariane. Totoo naman. Ang gwapo kasi ng tatay niya noon, mestiso at ang tangos pa ng ilong na namana naman nilang magkapatid.
"Malay ko ba na ampon ako," ani Ariane.
"Kung ano-ano na ang iniisip mo. Sa kaka-cellphone mo 'yan."
"Pero seryoso, nay. Nagkasakit ba ako? Yung naakidente ako at naospital noon?" seryosong tanong niya kaya napaisip ang ina.
"Oo, halos maubos na nga ang pera namin ng tatay mo noon dahil umabot ka ng mahigit isang buwan sa ospital," sabi ni Gladys kaya nagulat si Ariane.
'Talaga ho?" aniya na kinabahan. "A—Ano hong nangyari sa akin? M—May problema ba? May nangyari ba sa utak ko?"
"Sabi ng doktor, baka raw naapektuhan ang utak mo kaya natakot kami ng tatay mo noon," pagkukuwento ni Gladys. "Kaya todo observe kami sa 'yo noong na-ICU ka kahit na nakalabas ka na."
Kumalabog ang dibdib ni Ariane. Hindi kaya tama ang hinala niyang may amnesia siya? Yung may hindi siya maalala? Pero wala naman yata. Lahat nga ng naging karanasan niya noong bata ay tandang-tanda pa niya at kahit na sino ang kalaro niya.
"A—Ano ho ba ang sakit ko?"
"Tipdas," sagot ni Gladys. "Kawawa ka pa nga kasi ang baby mo pa. Akala namin hindi ka nga aabutan ng isang taon."
"Nay naman!" aniya. "Seryoso?"
"Oo ah. Di ko pa ba nakwento sa 'yo?" tanong ni Gladys.
"Ilang taon ako?"
"One year old."
"Nay naman. Noong teenager ako?"
"Wala na. Malakas na ang immune system mo," sagot ni Gladys. "Bakit mo natanong?"
"Wala!" sagot ni Ariane. Mula elementary hanggang maka-graduate sya sa college, tanda pa niya kaya malabong siya ang tinutukoy ni Rome sa diary nito.
Isa pa, never naman naging sila.
Napatingin sila sa sasakyan nang pumasok sa gate nila.
Agad na sinalubong ni Ariane ang asawa.
"Saan ka galing?"
"Sa kaibigan ni Daddy," sagot ni Rome at hinalikan sa pisngi ang asawa.
"May kaibigan siya rito?"
"Yes," sagot ni Rome. "Ini-invite pala niya tayo na mag-lunch sa kanila bukas."
"Eh? Nahiya ako," ani Ariane.
"Wag ka nang mahiya," sabi ni Rome. "Kasama mo naman ako."
"Maiwan ko na muna kayo at magluto lang ako ng dinner natin," paalam ni Gladys at pumasok na sa bahay.
BINABASA MO ANG
Maid In Italy (R-18)
RomancePangarap niyang yumaman kaya iniwan ang bansang sinilangan para makipagsapalaran sa Europa. Ang hindi alam ng karamihan, isa siyang katulong sa Italya. Walang nakakakita sa mukha ng boss niya maliban sa kanilang mga katulong sa bahay. Maingay ang pa...