May mali sa story na 'to. Kasi sa totoo lang, yung first naman talaga na anak nina Angela at Dust ay made in Philippines kasi buntis na siya bago pa sila pumunta sa Europe. Hahahahahaha.
Unedited...
"Maglilinis lang ako ng kwarto ni señorito," sabi niya kay Korina. Nasa baba ang mga ito pagkatapos ng lunch kaya may time pa siyang linisin ang kwarto ni Rome.
"Bawal kasi akong pumasok sa room niya eh. Tulungan sana kita," sabi ni Korina.
"Okay lang," sabi niya saka umakyat na sa taas habang nasa baba pa si Rome. Sana ay maging okay na ang magkapatid. Hindi niya akalaing magtatalo ang mga ito kanina.
Nang makapasok siya sa kwarto, pinalitan niya ang beddings at pati na rin kurtina. Inayos din niya ang mga gamit sa toilet at tiniklop ang mga damit.
Binuksan niya ang isang closet para linisin ang loob. Maayos pa naman ang laman nito na puro books and album ang nandito. Curious siya kaya binuksan niya ang isa sa mga photoalbum. Puro litrato nina Rome at Kency nang graduation nila kasama si Peter. Nakangiti pa ang mga ito at nakaakbay pareho kay Kency na halatang matalik talagang kaibigan. Sa isang album naman ay sa party na sila na lang ni Kency.
Napabuntonghininga siya saka inayos ang photoalbum. Hindi na siya nagdalawang isip pang tingnan dahil naninikip ang dibdib niya. Siguro nga may nararamdaman na siya para kay Rome kaya hindi niya kayang tingnan ang past nito kasama si Kency.
Patayo na sana siya nang mahulog ang lumang notebook. Curious siya kaya binuklat niya ito sa bandang gitna para basahin ang nilalaman.
I saw her that night, wearing a white stunning long gown, holding a bouquet of white roses na bigay ko sa kanya. She's the most beautiful woman that night and I am so proud of her. She's my queen. I couldn't wait to hug and kiss her nang biglang may sumulpot na lalaki at hinalikan siya sa pisngi. Nang mga oras na iyon, my heart stopped beating. She broke my heart nang marinig kong sila na raw. How could she? She's my girlfriend. I love her pero sa isang iglap, naagaw siya ng iba. Will I be selfish kapag ipaglaban ko siya? Pipiliin ba niya ako kapag pumagitna ako? I walked away kasi alam kong masaya na siya sa piling ng iba. Sobrang sakit pala magpalaya lalo na kung alam mong ikaw na lang pala ang kumakapit at lumalaban. Here I am, nabubuhay sa karimlan dahil sa natuklasan pero pangako, babawiin ko siya kapag may pagkakataon. I wish it was just a bad dream.
Agad na itiniklop niya ang diary at ibinalik sa lagayan nito nang marinig niya ang pagbukas ng pinto.
Nakatitig lang siya kay Rome na wala sa mood nang pumasok. All these years, nabubuhay ito sa kawalan? Alam niya kung gaano kasakit ang maagawan dahil ipinadama na ito ng una niyang kasintahan kaya nakaka-relate siya sa binata. Pareho lang silang inagawan ng bestfriend nila kaya kung may isang taong dapat nakaunawa rito ay siya iyon. Ngayon, mas lalo siyang nainis kay Kency. Masyado itong makasarili at ni hindi man lang inisip ang mararamdaman ni Rome.
"I'm sorry sa sinabi ko kanina," paumanhin ni Rome.
"Okay lang. Sorry rin," paumanhin niya. Gusto niya itong yakapin pero kapag ba gawin niya iyon, makakatulong ba siya? o baka siya lang din ang masaktan bandang huli? Pero tagos sa puso ang sakit sa sulat ni Rome nang araw na iyon. Kung nandoon lang sana siya ng araw na iyon. What if biglang bumalik si Kency? For sure mawawala siya sa eksena lalo na't ramdam niyang may pagtingin pa si Rome rito.
"Medyo desperado lang ako kanina because I can't afford to lose you," malungkot na sabi ni Rome.
"Okay lang," ani Ariane. Tama lang naman na tinatanggihan niya ang pagpapakasal rito gayong alam niya kung gaano nito minahal si Kency. Minsan nakakatakot din sumugal sa taong nagmahal nang sobra dahil baka bigla na lang itong bawiin kapag okay na sila.
BINABASA MO ANG
Maid In Italy (R-18)
RomancePangarap niyang yumaman kaya iniwan ang bansang sinilangan para makipagsapalaran sa Europa. Ang hindi alam ng karamihan, isa siyang katulong sa Italya. Walang nakakakita sa mukha ng boss niya maliban sa kanilang mga katulong sa bahay. Maingay ang pa...