9

8.8K 342 56
                                    











Unedited...












Napataas ang kanang kilay ni Ariane nang mabasa ang chat ni Rome. Pabagsak na nahiga siya sa kama at pinikit ang mga mata. Tama pa ba ang ginagawa niya? Or kailangan na niyang umalis sa trabaho na ito?

"Manang?"

Narinig niyang may nagsalita sa cellphone niya. Napindot pala niya na tawagan si Cheche sa messenger.

"Ba't gising ka pa?" tanong niya na hinayaang kisame ang nakikita ng kapatid.

"Nag-aaral pa ako," sagot ng kapatid.

"Ano ang inaaral mo?" tanong niya na nakatitig sa kisame.

"Tungkol lang sa blood flow natin papuntang heart. Kailangan ko lang kasing malaman bago ko pag-aralan ang Cardio," sagot ni Cheche. "Pero hindi ko alam kung sapat na ang pinag-aralan ko para tumalon sa next topic."

"Kunwari ako ang pasyente, explain mo sa akin ang flow ng blood papuntang heart," sabi ni Ariane.

"Eh, wag na."

"Paano ka papasa niyan? Practice ka ah," sabi niya saka kinuha ang katabing cellphone at itinuon sa mukha.

"Sige na nga. Basta yung blood from superior and inferior vena cava, papasok sa Right atrium tapos kailangan niyang dumaan sa gate na tawag ay tricuspid valve para makapasok sa right ventricle. From right ventricle naman, sasakay siya sa sasakyan which is pulnonary artery na magdadala sa kanya patungo sa lungs and doon na nga may gas exchange at ang blood ay magiging oxygenated at papuntang—" Napaisip si Cheche. "Syempre tapos na tayo sa right so from Lungs, pupunta na siya sa left atrium. Dadaan sa gate na tinatawag na bicuspid or mitral valve patungo sa Left ventricle tapos sa aorta and so on..." tinatamad na pagsimula niya kahit na may mga hindi siya nabanggit.

"Wala akong maintindihan," sabi ni Ariane kaya natawa si Cheche.

"Pareho lang naman tayo, manang. Wala akong choice kundi mag-aral. Basta lahat ng related sa airway o paghinga, Left sided heart failure yun. Pareho kasi silang nag-start sa letter 'L'. Lungs means left. Ganun."

"Paano naging lungs eh, heart ang pinag-uusapan."

"Kaya nga ang hirap magpaliwanag e. Saka mo na 'ko tanungin kapag maging RN na 'ko," sabi ni Cheche.

"Ewan ko sa 'yo. Basta mag-aral ka lang pero wag masyadong ma-pressure ha. Kapag bumagsak ka, kuha ka ulit. Gawin mo lang ang kung hanggang saan ang makakaya mo."

"Okay po, ate. Salamat."

"Kumusta si Nanay?"

"Pinapatanong kung may boyfriend ka na raw," natatawang sagot ni Cheche.

"Ewan ko sa inyo. Baka mauna ka pa nga sa akin eh," sabi niya. "Oh siya, bye na. Ayaw na kitang istorbohin."

"Sige, manang. I love you."

Nang matapos makipag-usap sa kapatid ay naligo na siya. Pagkalabas niya ay tumunog ang cellphone niya pero hindi niya sinagot nang makitang si Rome ang tumatawag.

Yung next na na-receive niya ay chat na. Pinapapunta siya sa room nito or sa gc ito magchachat.

"Bahala ka," sabi niya. Mayamaya pa'y nag-chat nga ito sa gc kaya napaupo siya. "Oh, ghad!" bulalas niya na naikuyom ang kamao. Nire-remind lang nito si Tiya Pandora na ayusin bukas ang gamit na dadalhin daw sa Milan.

"Five minutes," chat nito kaya inis na tumayo si Ariane at lumabas sa silid. Tahimik na ang paligid kaya kinakabahang pumasok siya sa elevator habang palinga-linga na para bang may gagawing masama. Nakahinga siya nang maluwag nang makaakyat sa taas. Kumatok siya ng dalawang beses bago siya pagbuksan ng binata.

Maid In Italy (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon