Unedited...
"Kuya, start na ng bonfire. Hinihintay ka na ni Ate Kency," sabi ni Madrid nang pumasok siya sa kwarto ni Rome.
"Wala akong gana. Kayo na lang," sagot ni Rome na tutok ang mga mata sa computer.
"Kuya naman. Minsan na lang din tayo ulit nagkasama ni Ate Kency. After ng ilang years, tatanggi ka pa ba?" pangungulit ni Madrid. "Isa pa, hinihintay ka ng mga katulong sa baba. Makisama ka naman."
"Nandoon ka naman ah."
"Pero magtatampo si Ate Kency. Asikasuhin mo naman ang bisita."
"You invited her kaya ikaw ang humarap sa kanya."
"Killjoy mo, Kuya. C'mon, hinihintay ka nila. Nandon na ang lahat. Sina Jack at Ariane ang nagpapaapoy."
"Bakit ba napaka-epal mo?" gigil na tanong ng binata na kulang na lang ay isilid sa sako ang kapatid at bitayin patiwarik.
"You hate me because?" maarteng tanong ni Madrid.
"I have a thousand reason to hate you ngayon!" seryosong sabi ni Rome.
"Really?" ani Madrid. "Keri lang. Gusto ko na kasing makita ang pamangkin ko sa 'yo."
"Kaya mo in-invite si Kency?" ani Rome. "Kailan pa kayo naging close ulit?"
"Close naman kami ah."
"Yeah," ani Rome na ayaw nang makipagtalo.
"Sunod ka na, okay?" ani Madrid. "Hinihintay ka ng lahat lalo na ni Ate Kency."
"I don't love her, Madrid. She's just my friend kaya wag mo nang ipilit pa ako sa kanya. Sila na ni Peter."
"What if maghiwalay sila? May chance ba na maging kayo?"
"No," agad na sagot ni Rome. "Naka-move on na ako, Madrid. Trust me. Wag mo nang gawing kumplikado ang lahat, Madrid. Dahil kapag manggulo ka pa, ipapasundo kita kay Daddy!"
"Okay," sabi ni Madrid. "See you later."
Bumaba na siya at pumunta sa garden na kung saan nagbo-bonfire ang mga kasama.
"Saan si Rome?" tanong ni Kency na may hawak na wine.
"Sunod daw siya," sagot ni Madrid. "Wait lang, tulungan ko lang sila sa pagpa-apoy."
Lumapit siya kina Jack at Ariane.
"Jack, pwede bang ako na rito ang gumatong?" pakiusap niya. "Tulungan mo na lang sina Yaya sa paghanda ng dinner."
"Okay, señorita," ani Jack at iniwan sila ni Ariane.
"Pahingi ako ng panggatong," sabi ni Madrid kaya binigyan siya ni Ariane.
"Wala kang boyfriend, no?" tanong ni Madrid.
"Yes po."
"Why? Ang ganda mo kaya."
"Wala e."
"Pero nagkaroon ka?"
"Yes po."
"Ilang taon?"
"Matagal din ho. First year college pa lang ako, kami na," sagot niya.
"Bakit kayo nag-break? Third party?"
"Yes po," sagot niya.
"Never ka nang nagka-boyfriend ulit?" usisa ni Madrid.
Napatingin si Ariane sa apoy na nagbibigay ng liwanag at init sa kanila. Ano ba ang dapat na isasagot niya?
BINABASA MO ANG
Maid In Italy (R-18)
RomancePangarap niyang yumaman kaya iniwan ang bansang sinilangan para makipagsapalaran sa Europa. Ang hindi alam ng karamihan, isa siyang katulong sa Italya. Walang nakakakita sa mukha ng boss niya maliban sa kanilang mga katulong sa bahay. Maingay ang pa...