Unedited...
"Pasalamat nga siya hindi siya pinauwi ni señorito sa Pinas," sabi ni Korina. Kinausap kasi niya ang Tiya Pandora at Jack kung bakit biglang pinaligpit ng gamit si Janella.
"Kasi naman, hindi talaga 'yan sanay sa ibang tao," sabi ni Pandora. "Bata pa lang mahilig na 'yan i-isolate ang sarili sa iba. Maliban sa pamilya niya, wala akong ibang nakita na una pa lang ay nakakausap na niya o nakuha agad ang tiwala niya kaya sobrang hirap hulihin ng kiliti niya."
"Si Madam lang ang unang babae na hindi niya tinarayan sa unang pagkikita," sabi ni Jack kaya napatingin sila rito.
"Saan ba sila unang nagkita ni Madam?" tanong ni Korina.
"Haist. May gagawin pa ako," palaam ni Jack saka umalis na baka madulas pa at kung ano ang masabi niya. Totoo naman talaga. Never itong nagalit kay Ariane nang nilapitan at kinausap siya nito noong una. Nagpakababa pa nga ito para lang sa dalaga at kinalimutang mayaman ito. Higit sa lahat, halos mabaliw ito nang mawala ang dalaga. "Haist. Pag-ibig nga naman," ani Jack. Sigurado siyang na-love at first sight ang boss kay Ariane.
"Jack?"
"Oh, boss. Morning," bati ni Jack nang makitang pababa si Rome.
"Drive mo 'ko."
"Saan pupunta, boss?"
"May bibilhin lang," sagot ni Rome.
"Sure boss. Now na ba?"
"Oo," sagot ni Rome.
Habang nasa biyahe, panay ang sulyap ni Jack sa binata na busy sa kinakausap sa cellphone.
"Wala yata si Madam, boss." puna niya nang wala na itong kausap.
"Tulog pa," sagot ni Rome.
Sa isang hotel niya ito hinatid pero nagpa-iwan si Jack sa labas at si Rome lang ang lumabas. Pagkatapos ng 15 minutes, lumabas din ito.
"Saan tayo, boss?"
"Sa bahay na," sagot ni Rome sabay kabit ng seatbelt. "Nalipat mo na si Janella?"
"Yes, boss. Kahapon pa," sagot ni Jack na hindi na nagtanong pa dahil baka ma-badtrip na naman ang boss.
Pagdating ng bahay, agad na tumungo si Rome sa kwarto. Nakahiga pa si Ariane kaya tumabi siya rito at niyakap.
"Hmmm..." inaantok pa siya nang maramdaman ang mainit na halik sa leeg niya.
"Morning, baby," bulong ni Rome.
"Gosh, I'm sleepy," ani Ariane na ayaw pa istorbo saka ipinikit ang mga mata.
"Matulog ka lang," sabi ni Rome.
Humarap si Ariane saka isiniksik ang mukha sa dibdib ng binata para makatulog ulit.
"I love you," bulong ni Rome pero hindi na gumalaw para hindi magising ang dalaga. Nanatili sila sa ganoong ayos. Pinagmasdan lang niya si Ariane habang natutulog. Hinalikan niya ito sa noo at mahigpit na niyakap. Kung alam lang nito kung gaano siya kasaya nang muli niya itong makita.
"Hi," nakangiting bati niya nang dumilat si Ariane. Hahalikan na sana niya pero tinakpan nito ang bibig.
"Hindi pa ako nakamumog," ani Ariane.
"It's okay," sabi ni Rome sabay kuha sa kamay ng dalaga at hinalikan ito sa mga labi.
"Kapag ba may makita kang mas maganda pa kaysa sa akin, iiwan mo 'ko?"
BINABASA MO ANG
Maid In Italy (R-18)
RomancePangarap niyang yumaman kaya iniwan ang bansang sinilangan para makipagsapalaran sa Europa. Ang hindi alam ng karamihan, isa siyang katulong sa Italya. Walang nakakakita sa mukha ng boss niya maliban sa kanilang mga katulong sa bahay. Maingay ang pa...