Unedited...
"Sarap talaga ng lugaw mo," puri ni Rome nang maubos ang lugaw.
"Kaya pala hindi mo naubos," sabi ni Ariane.
"Naubos ko kaya. Ah, nung nasa bahay ba?" nakangiting tanong ng binata.
"Ewan ko sa 'yo!"
"Nagtampo ka ba nun?" tanong niya sabay pindot sa tagiliran ng dalaga. "Wag ka nang magalit. Hindi ko naman kasi sure na ikaw ang nagluto eh. Kaya nga pinatawag kita pero hindi ka naman umakyat."
"Tapos pinaluto mo pa ako ng kare-kare na hindi ko naman specialty!"
"Inubos ko naman yun kahit na—" napapreno siya sa sasabihin nang makita ang masamang tingin ng dalaga. "Basta inubos ko 'yun."
"Wag ka nang magalit. Pumapangit ka niyan."
"Matagal na 'kong pangit! Bilisan mo nga at uuwi na tayo."
Sa tono ng pananalita ni Ariane, mukhang galit pa nga ito sa kanya kaya hindi na nakipagtalo pa si Rome.
"Boss mo pa rin ako kaya sana matuto kang rumespeto," mahinang sabi ng binata saka iniwas ang tingin. "Nirerespeto ako ng lahat kaya sana ikaw rin."
Natahimik ang dalaga. May point naman si Rome. Ganoon na ba siya kasama para laging singhalan ang binata? Eh wala naman silang label. Ni hindi nga niya ito boyfriend. Oo at may nangyari sa kanila pero walang sila. At the end of the day, boss pa rin niya ito at anumang oras ay kaya sya nitong pauwiin sa Pilipinas na walang dala kahit ni piso.
"S—Sorry," paumanhin niya. "Maghuhugas lang ako ng plato at uuwi na ho tayo, señorito."
Nang makarating sa mansion, agad na sinalubong siya ni Korina.
"Hello, señorito," magalang na bati ni Korina saka humarap kay Ariane. "Kumain na kayo?"
"Tapos na kaming kumain," sabat ng binata. "Pagpahingain na ninyo si Ariane dahil napagod siya sa byahe."
"Sige po, señorito," sagot ng binata.
"Kapag may kailangan ka, magpasabi ka lang sa mga kasama mo o mag-chat sa gc," sabi ni Rome saka iniwan na sila.
"Uy, saan kayo galing ni señorito?" usisa ni Korina.
"May kausap lang siyang client niya tapos ginabi na kami at medyo malayo pa kaya nag-hotel na lang kami," pagsinungaling niya. Kanina pa niya nire-rehearse ang sasabihin para maging handa siya pero kinakabahan pa rin siya magsinungaling.
"Ah, kaya pala. Buti at nakaya mo si sir," sabi ni Korina.
"Ha? Nakaya ang?" tanong niya. May alam ba si Korina?
"Nakaya ang ugali ni señorito. Yung makasama siya nang matagal," ani Korina.
"Ah . . . " ani Ariane saka tumango. "Hindi naman kami madalas na magkasama. Sa labas naman ako habang nagme-meeting siya at sa ibang kwarto kaya hindi kami madalas na nagkikita," pagsisinungaling niya.
"Hay, nako. Mas piliin ko pang maglinis ng buong bahay kaysa kasama siya," ani Korina. "Pero kung mabait siya, go pa rin ako kahit na magdamag pa kaming magkasama kaso nakakailang siyang kasama. Takot ko lang na masigawan, ano."
"Sige, magpapahinga na muna ako," paalam niya.
"Bakit ngayon lang kayo?" tanong ni Karen nang makasalubong niya.
"May mahalagang inasikaso si señorito," sagot niya.
"At kasama ka?"
"Pinasama niya ako," sagot niya. Tumaas ang kanang kilay ni Karen na halatang hindi nagustuhan ang narinig. "Sa susunod, ikaw na lang ang sumama, tutal close naman kayo ng boss natin."
BINABASA MO ANG
Maid In Italy (R-18)
RomancePangarap niyang yumaman kaya iniwan ang bansang sinilangan para makipagsapalaran sa Europa. Ang hindi alam ng karamihan, isa siyang katulong sa Italya. Walang nakakakita sa mukha ng boss niya maliban sa kanilang mga katulong sa bahay. Maingay ang pa...