18

8.8K 318 61
                                    









Unedited...







"Magkano ba ang bayad sa bangka?" tanong ni Ariane nang bumalik si Rome matapos kausapin ang magsasagwan ng bangka nila. Maaga pa silang magbo-boating para walang gaanong tao at hindi mainit.

"Ninety euro," sagot ng binata.

"Per head?" tanong niya. Automatic na nagbilang ang utak niya. 90×62=5,580pesos na sa isang oras. "Mahigit pala 10 thousand."

"No, dalawa na tayo," sagot ng binata. Ang ganda ni Ariane sa suot nitong blue plain sleeveless dress na lagpas hanggang tuhod ang haba. "But I gave him five hundred euro para iikot niya tayo sa buong  Venice."

"Really?" masayang sabi niya. Kung sabagay, barya lang pala ang 500€ sa binata.

"Yup," sagot niya at kinuha ang ice box na may lamang drinks at chips para may mangata sila habang nagbabangka. Pwede naman silang mag-motorboat pero gusto ni Ariane na ma-experience ang manual na pagbabangka. Isa pa, ang ganda kasi talaga tingnan, pang Instagram lalo na't sila lang ang nandito. "Tara na."

"Rome!" tawag ni Kency na palapit sa kanila. "Can I ride?"

Napatingala si Ariane sa binata. Okay lang naman sa kanya pero parang ang awkward lang na tatlo sila sa bangka. Actually, pwede namang 4 sila sa bangka.

"I reserved it just for the two of us," sagot ni Rome.

"Bangka ang binabayaran mo at hindi tayo. Gusto lang kitang makausap, Rome," sabi ni Kency.
"Or pwede namang mag-isa siya at kumuha tayo ng ibang bangka."

"Okay lang," sabi ni Ariane. "Pero hindi ko kayang bayaran ang five hundred kaya kayong dalawa na lang sa bangka na 'yan at kukuha na lang ako ng bangka ko na good for one hour. Okay lang talaga," sabi niya. Mas piliin pa niyang mag-isa kaysa magkasama silang tatlo. Di na bale, deserve naman niyang pagbigyan ang sarili. Makikita pa naman niya ang 90€ eh. Minsan lang syang pumunta rito sa Venice at hindi na siya sigurado kung makakabalik pa sya ulit kaya hindi siya aalis hanggat hindi niya ma-experience ang Venice grand canal boating.

Tumalikod siya sa dalawa at lumapit sa magbabangka pero bigla na lang hinawakan siya ni Rome sa kanang kamay niya.

"Sorry, Kency pero nakaplano na kaming dalawa kaya maghanap ka na lang ng kasama mo. Tawagan mo si Peter," sabi ni Rome saka binuhat si Ariane.

"Hey, baba mo 'ko!" agad na sabi ng dalaga sabay hampas sa dibdib ng binatang pasakay na sa bangka. "Nakakahiya!"

Ibinaba siya ng binata pero sa upuan na ng Gondola.

Pumuwesto ang lalaki sa likod nila at nagsimula nang magsagwan. Habang nasa river sila, nagsasalita naman ang lalaki at nagsasabi ng history ng mga gusaling nadadaanan nila.

"Bakit hindi ka sumama kay Kency?" tanong niya sa katabi nang hindi na makatiis.

"Bakit naman kita iiwan para lang sa kanya?" patanong na sagot ng binata.

"Hindi ko ma-gets. Ayaw mo ba siyang makausap?"

"Hindi naman sa ayaw pero nasa sa 'yo na ako, oh. Bakit pa ako sasama sa kanya? Hindi ko naman ugaling mang-iwan," sagot ng binata.

"Depende sa sitwasyon," ani Ariane.

"So, ano ang sitwasyon mo nang iwan mo 'ko?" tanong ni Rome kaya napatingin si Ariane sa kanya.

"Anong klaseng tanong 'yan? Si Kency ang topic natin dito," sabi niya.

"Ay, siya ba?" tanong ni Rome.

"Umurong ka nga. Wala na akong space," sabi ni Ariane.

"Hmm? Picture-an na lang kita," sabi ni Rome nang papasok na sila sa makitid na eskinita at napagitnaan ng malalaki at makulay na gusali. Ang linaw rin ng tubig nila. Kahit ganito ang Venice, napaka-unlad ng turismo nila. "Lipat ka doon sa kabilang dulo para solo mo ang picture."

Maid In Italy (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon