16

8.4K 271 50
                                    



Unedited...

"Boss? Okay ka lang?" tanong ni Jack.

"Hindi!" sagot ni Rome kaya napangiwi si Jack.

"May problema ba?"

Napatitig si Rome sa kanya nang matagal kaya kinabahan siya. Hirap pa naman suyuin nitong boss nila.

"Tingin mo, bakit kaya hindi ko mabuntis-buntis si Ariane?" problemadong tanong ng binata. "Healthy naman ako."

"Baka nasa kanya ang problema, boss," sabi ni Jack kaya sinamaan siya ng tingin ni Rome. "Joke lang, boss."

"Hindi ko alam kung paano ko siya ma-convince na magpa-checkup. For sure tatanggi yun," sabi ni Rome.

"Try mo kaya, boss. Baka sakaling payag naman. Sya nga yung nag-alok sa 'yo noon na magka-baby kayo eh," suhestiyon ni Jack.

"Tingin mo papayag?"

"Wala namang masamang sumubok, boss," sabi ni Jack kaya tumayo si Rome at bumaba.

"Hello, señorito," bati ni Karen nang makasalubong siya.

"Si Ariane?" tanong niya.

"Sa swimming pool po," sagot niya.

"Nagsi-swimming?"

"Naglilinis ho, señorito," sagot ni Karen. "Tawagin ko ba?"

"Wag na, ako na ang pupunta," tanggi ng binata at tumungo sa pool.

"Señorito," bati ni Korina na may dalang panlinis ng gilid ng pool. "Maliligo ka?"

"Malinis na ba!" tanong ni Rome.

"Yes po," sagot ni Korina.

"Okay. Pakidala ng tuwalya," sabi ni Rome kaya agad na tumalima si Korina para kunin ang pinapakuha ng boss.

"Ariane," tawag niya kaya agad na lumapit ang dalaga dahil gusto rin niyang kausapin si Rome.

"Ikaw ba ang nagpadala ng pera?" tanong ni Ariane.

"Kulang ba?"

"No. Bakit sobra-sobra? Ibalik ko na lang. Five hundred lang ang kailangan ko," sabi niya. Nagulat siya nang makita ang 5000€ na kung sa Pinas ay nasa 310k na, depende pa rin sa palitan.

"Sa 'yo talaga yun."

"Ayaw kong—"

"Talent fee mo sa Milan fashion show," agad na wika ni Rome. "Nabili ang isinuot mo kaya may percentage ka rin doon."

"Pero hindi naman ako ang model."

"Ikaw ang model ko kaya walang problema sa akin," sabi ng binata. "Wag mong ibalik dahil magagalit ako. If you want, ipadala mo na lang sa kapatid at nanay mo. Di ba may babayaran ka pa sa RGO sa review center ng kapatid mo?"

"Paano mo nalaman? Pinaimbestigahan mo ba ako?"

"Hindi ah. Naikwento lang ni yaya," sabi ni Rome. "Malaking tulong din yun. Hindi basta-basta kitain ang pera ngayon kaya sulitin mo na."

"Salamat pero hindi ako kampanteng gumamit ng pera na hindi naman sa akin," sabi niya dahil baka kung ano pa ang masabi nito at baka sa susunod na araw, paratangan siyang nagnakaw lalo na't hindi basta-basta ang pumasok sa account niya.

"Bahala ka. By the way, about sa pagbubuntis mo," pag-iiba ng binata. "Pa-checkup tayo para malaman natin kung ano ang dapat na gawin bakit hanggang ngayon ay hindi ka pa rin mabubuntis."

"Hindi na ako interesadong mabuntis," sabi ng dalaga.

"Bilis naman magbago ng isip mo. Kahit na co-parenting lang tayo. Di ba gusto mo nang magka-baby? Tumatakbo ang oras, Ariane. Kung gusto mong magkaanak, this is the perfect time. Isa pa, okay naman ang lahi ko tapos kaya ko namang suportahan ang bata kung sakaling ayaw mong magsama tayo basta open lang sya sa akin at sa family ko," labas sa ilong na paliwanag niya. Of course, hindi siya papayag na mawalan ng ama ang anak nya no. Paano kapag makapag-asawa si Ariane, eh di magkakaroon ng stepdad ang anak niya? No way!

Maid In Italy (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon