Unedited....
Sa isang malaking mansion ang pumasok ang sasakyang sumundo sa kanya. Entrance pa lang ng mansion ay nalulula na siya. Grabe, ang lawak ng hardin at may swimming pool pa. Napansin din niya ang helipad sa taas ng bahay kaya sigurado siyang sobrang yaman ng may-ari nito.
"Kuya, ito na po ba ang bahay?" tanong niya sa driver. May isang guwardiya pa.
"Oo, ito na. Ang swerte mo dahil nakapasok ka rito. Malaki magpasahod ang boss natin," sabi ni Kuya na sa tantiya niya ay nasa singkwenta anyos na. Tatlo silang lalaki sa bahay. Pareho silang driver at hardinero kapag walang ginagawa.
"Tatlo talaga kayong driver?" hindi makapaniwalang tanong niya.
"Kasi minsan sabay mag-utos si Boss para i-deliver ang mga damit niya at madalas din siyang nagpapamaneho dahil sa business. Minsan kami rin kumukuha ng mga gamit niya. Kapag walang magawa, inaalagaan din namin ang hardin at mga halaman," sagot ni Mang Ramon.
"Galing naman," sabi ni Ariane saka bumaba at kinuha ang dalang malaking maleta.
"Ariane!" tili ni Korina na naging matalik niyang kaibigan sa resto na dati niyang pinagtrabahuhan malapit sa Colloseum. "Gurl, ang ganda mo lalo!" puri nito.
"Hello, Korina," bati niya at nakipagbeso-beso. Naikwento nga niyang balak niyang umalis sa trabaho at saktong umalis daw ang isang katulong para mag-for good na sa Pinas kaya naghahanap sila ng pamalit dito kaya ini-recommend siya ni Korina dahil mayordoma ang tita nito rito sa bahay.
"Halika, ihatid kita sa room mo. Magpahinga ka muna."
Nanlaki ang mga mata niya nang pumasok sila sa mansion. Sobrang laki at lawak ng mansion na may second floor. Naka-escalator pa sa gitna at mayroon ding elevator kaya nagmumukhang mall sa lawak nito.
"Laki no?" bulong ni Korina.
"As in!" sabi ni Ariane. Marami naman siyang bahay na napasukan pero heto talaga ang napakalaking napasukan niya.
"Ingat ka, beh. Naka-CCTV ang buong bahay," sabi ni Korina.
"Okay lang. Wala naman akong balak na magnakaw," sabi niya.
"Wala akong sinabing ganun ha," sabi ni Korina. "Alam kong mabait ka."
"Alam kong may tiwala ka sa akin kaya mo nga ako pinapasok dito eh," sabi niya. "Ilan pala ang katulong dito?"
"Lahat-lahat ay anim tayo," sagot ni Korina.
"Anim?" bulalas niya.
"Oo, anim. Lima tayo tapos isang mayordoma. Bale dalawa ang nagluluto at laba tapos tatlo tayong tigalinis ng bahay. Basta."
Sa first floor ang kwarto nila sa bandang likod ng bahay. Pagpasok nila, namangha siya sa kwarto na parang hotel lang.
May wifi, may sarili bathroom kaya lahat ay nandito na.
"Ayan pala ang uniporme mo," sabi ni Korina kaya napatingin si Ariane sa suot ni Korina. Ang cute. Para silang nasa japanese anime sa uniporme. Black and white dress. Ang white na sa labas ay parang apron tingnan. Ang sa mayordoma ay mahaba dahil may edad na si Tiya Pandora.
"Ang ganda," sabi ni Ariane.
"Si señorito ang nag-design nito," sabi ni Korina. Na-mention na nga nito na isang fashion designer ang boss nila.
"Kumusta naman ang mga kasama natin?" tanong niya.
"Okay lang, mapagtiyagaan. Alam mo na, may pakialamera talaga pero hinahayaan ko na. As long na ginagawa ko naman ang trabaho ko nang tama," sagot ni Korina.
BINABASA MO ANG
Maid In Italy (R-18)
RomancePangarap niyang yumaman kaya iniwan ang bansang sinilangan para makipagsapalaran sa Europa. Ang hindi alam ng karamihan, isa siyang katulong sa Italya. Walang nakakakita sa mukha ng boss niya maliban sa kanilang mga katulong sa bahay. Maingay ang pa...