27

5.9K 322 65
                                    





Unedited...



"Kaya siguro hindi tayo nakakabuo kasi ina-araw-araw mo ako," biro ni Ariane.

"Minsan din naman gabi," pilyong sabi ni Rome.

"Bababa na ako, baka hinahanap na nila ako."

"Ariane, dito ka na sa kwarto ko, okay?" pakiusap ni Rome. "Hindi ka katulong sa bahay na 'to kaya wag ka nang magtrabaho."

"At pano ang sahod ko?"

"Bibigyan kita ng allowance monthly. Ako ang bahala sa 'yo," ani Rome.

"Pero ayaw kong dumepende sa 'yo palagi. What if makahanap ka ng iba?"

"Ganito na lang," ani Rome. "Bigyan kita ng business. Yung gusto mo naman para may pagkaabalahan ka."

"Talaga?"

"Oo naman. Hmm? Lugawan kaya?"

"Hindi naman uso 'yan dito sa Europe eh," sabi ni Ariane. As much as gusto niyang buhayin ang dating negosyo ng pamilya, malabo na itong mangyari.

"What if milktea?"

"Oh, maganda rin," sabi ni Ariane. Lalo na't malapit na ang summer talaga. "Ang hirap lang kapag winter dahil malamig."

"Eh di mag-iba tayo ng paninda kapag winter. Mahilig naman ang european sa wine kapag tiglamig."

"Ay, sakto sa business ng kapatid mo," ani Ariane. At least may supplier na sila ng wine.

"Yeah, pwede ring wine and pizza tapos yung milktea and ice cream kapag summer," sabi ni Rome. "Kailangan lang nating maghanap ng pwesto."

"Sure kang tutulungan mo 'ko?" tanong ng dalaga.

"Of course. Tutulungan kita," ani Rome. "As long na happy ka at hindi mabagot sa bahay."

"Hmm? Sure ka ba talaga? Malaking pera din yun."

"What's mine is yours kaya maliit na bagay lang 'yan," sabi ni Rome saka hinalikan sa mga labi si Ariane pero tinulak ng dalaga.

"Maliligo na ako. Di ba aalis pa tayo?"

"Oo nga pala," sabi ni Rome saka bumangon na rin.

Ngayong araw nila susunduin ang bagong katulong na pumalit kay Karen. Nag-resign na ito noong isang araw at naihatid na rin sa bagong trabaho. Malaki-laki rin ang inabot ni Rome dahil matagal na rin naman ito sa kanila. Hindi na ni Rome pinigilan dahil alam naman niya ang rason ng pag-resign nito.

Nang makabihis na sila, sabay silang bumaba at kumain muna.

"Korina, sama ka?" tanong ni Ariane.

"May gagawin pa ako eh," sabi ni Korina. Kahit na kaibigan niya si Ariane, naiilang pa rin siya kay Rome kaya mas safe siya kapag sa bahay lang.

Nang matapos silang kumain, nagmaneho sila kay Jack.

"Taga sana pala ang bago nating katulong?" tanong ni Ariane.

"Taga Tondo ho, madam. Pinsan ng pinsan ko," sagot ni Jack.

"Ah, mabuti naman," ani Ariane.

Nang dumating sa airport, agad na nakita nila ang bagong katulong.

"Hello po," magalang na bati nito. "Hi, Jack. Long time no see."

"Hello, Janella. Lalo kang gumanda ah," puri ni Jack. "By the way, ito ang mga boss natin, sina Señorito Rome at Señorita Ariane."

"Hello po," magalang na bati ni Janella. "Mag-asawa?"

"Hindi," sagot ni Ariane.

"Hindi pa," ani Rome saka inakbayan si Ariane. "Nagugutom ka? Daan muna tayo sa restaurant."

Maid In Italy (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon