Unedited...
Nakapagtrabaho siya nang maayos dahil buong araw siyang hindi pinatawag o inutusan ni Rome.
"Gosh, hindi talaga ako makapaniwala," sabi ni Korina. Kanina pa 'to. "Ang pogi talaga ni señorito."
"Hindi mo ba siya nakita kahit sa picture man lang?" tanong ni Ariane.
"Gurl. Sa tagal ko na rito, hindi pa talaga ako nakapasok sa mga ipinagbawal na silid. May nakita ka bang family frame sa hallway? Wala, di ba?"
"Ah, oo nga pala," pagsang-ayon ni Ariane.
"Hmm? Mas nauna ka pa ngang nakita siya kaysa sa akin," sabi ni Korina. "Hindi mo sinabing gwapo siya."
"May asawa ka na tapos sa kanya ka pa rin kinikilig," sabi ni Ariane.
"Eh? Hindi ba pwedeng kiligin sa iba kahit na may asawa na? Tsaka gurl, mas million times na pogi si señorito kaysa sa asawa ko. Nagkataon lang na mas mahal ko yung asawa ko no," depensa ni Korina. "Ikaw ba? Hindi ka ba kinikilig kay señorito?" tanong niya.
"Bakit na naman napunta sa akin ang usapan?" tanong ni Ariane saka tumayo. "Tara, kain na tayo."
"Ah, sus. Single ka, di ba? Malay mo, magustuhan ka ni sir. Ang ganda mo kaya!"
"Tigilan mo nga ako."
"Pero may point ako, right? Kasi single ang boss natin tapos single ka rin at ang ganda pa. Bagay kayo. Tapos isang taon lang ata ang gap ninyo. Oh, di ba? Grabe, kung ako sa 'yo, lumandi ka na bago pa ma-expire ang matris mo!" sulsol ni Korina na sinundan ang kaibigan.
"Pinakialaman mo na naman anh matris ko."
"Uy, sa edad mong 'yan, dapat may anak ka na. Malapit na 'yang mag-expire, no!"
"Pwede ba, busy pa ako sa pamilya ko," ani Ariane dahil palagi na lang siya ang pinag-uusapan kapag panganganak ang topic.
"Busy o hindi maka-move on sa ex mong gago?" Naikwento na sa kanya ni Ariane ang past sa ex at naging bestfriend nito. Noong una, gigil na gigil talaga siya. "Kung sabagay, bestfriend mo lang naman ang kinalantari nya."
"Wala na akong pakialam sa kanila. Yaan mo na sila, tutal may pamilya na sila. Si Lord na ang bahala. Basta focus muna ako sa kapatid at nanay ko."
"Sus, alam mo, may sariling buhay rin ang kapatid mo. Gaano ka ka-sure na kapag tumanda ka eh, aalagaan ka niya? Kapag ma-inlove yon, uunahin pa rin niya ang sariling magkapamilya. Wag mong ibuhos ang lahat ng buhay mo sa pamilya. Magkaroon ka naman ng sariling buhay kahit na tumutulong ka rin sa kanila. Daming ofw riyan na umuuwing luhaan. Ilang taon na sa abroad tapos tulong lang nang tulong pag-uwi ng Pinas dahil wala na at may sakit, hindi na siya kilala ng pamilya."
"Hayaan mo na sila. Ang mahalaga ay tumulong ako bilang ate. Nasa kanya na iyon kung lingunin niya ako balang araw o hindi," sagot ng dalaga.
"Uy, si señorito," bulong ni Korina kaya napatingin sila sa pinto. "Himala, sa front door siya dumaan."
"Karen," tawag ni Rome nang makita si Karen.
"Señorito?" nakangiting sagot ni Karen at dali-daling lumapit kay Rome na kasama si Jack.
"Pakikuha ng mga gamit sa kotse at pakilagay rito sa sala." Napatingin siya kina Ariane at Korina. "Korina, tulungan mo si Karen."
"Sure, señorito," masiglang sagot ni Korina. "Tara na, Ariane. Tulungan natin si Karen."
"Ariane, maiwan ka," sabi ni Rome kaya napatigil si Ariane. "Dalhin mo ang dalawang paperbag na dala ni Jack sa kwarto ko."
"Ah, kami na lang girl. Sige na, dalhin mo na," bulong ni Korina at lumabas kasama ni Karen.
BINABASA MO ANG
Maid In Italy (R-18)
RomancePangarap niyang yumaman kaya iniwan ang bansang sinilangan para makipagsapalaran sa Europa. Ang hindi alam ng karamihan, isa siyang katulong sa Italya. Walang nakakakita sa mukha ng boss niya maliban sa kanilang mga katulong sa bahay. Maingay ang pa...