39

7K 371 76
                                    












Unedited...








"Alam din ba ni Madrid na ako ang ex mo?"

"No, si Mommy lang."

"Eh bakit galit na galit siya kay Kency? I mean bakit mo siya hinayaang magalit kay Kency?"

"She has the right to. . . " sagot ni Rome. "Hindi rin kasi tama ang ginawa ni Kency kaya kung magalit man siya, okay lang."

"Kung hindi naging kayo, bakit ka pa hinabol ni Kency at sinabing naging kayo?"

"Maybe she believes din na siya ang first girlfriend ko. Wala naman silang nakitang babae ko kundi si Kency lang kaya baka inisip niya na iyon nga ang thinking ko, na kami kahit na hindi naman ako nanligaw sa kanya."

"Bakit hindi mo itinama?"

"Why should I? Sila ang gumagawa ng kwento kaya bakit ako ang magpaliwanag?"

Hindi na nakipagtalo pa si Ariane. Ang totoo, ang saya niya kasi hindi naman pala si Kency ang kaagaw niya. Medyo sad sya sa part na hindi niya sadyang saktan ito.

Ipinulupot niya ang kamay sa braso ng asawa saka hinalikan ito sa kanang pisngi.

"Ang swerte ko lang kasi mahal mo 'ko," kinikilig na sabi niya.

"Malas ko kasi—"

"Ituloy mo pa at malilintikan ka sa 'kin!" nagtatampong pagbabanta niya.

"Cheater—"

"Buang ka!" sigaw ni Ariane sabay hampas sa kanang braso ng asawa kaya napalabas si Gladys.

"Anong nangyari?" tanong ng ina.

"Wala ho," ani Ariane.

"Inaaway mo ako ng anak nyo, nay," sumbong ni Rome.

"Hoy! Hindi ah," agad na tanggi ni Ariane sabay kurot sa tagiliran nito.

"Ikaw Ariane, hindi tama na basta ka na lang maninigaw kahit pa na buntis ka ha," saway ni Gladys. "Intindihin mo rin ang kahihiyan ng asawa mo."

"Sorry po," paumanhin ni Ariane sabay pandilat sa nakangiting asawa. Muling bumalik si Gladys sa kusina.

"Baby."

"Wag mo 'kong kausapin!" mahinang saway ni Ariane pero hindi rin nagreklamo nang akbayan siya ng asawa saka inamoy ang leeg niya bago halikan.

"Pasok tayo sa kwarto, baby," bulong ni Rome.

"Nakita mo naman na nandito si Nanay, 'di ba?"

"Pa-music na lang tayo," bulong ni Rome.

"Tigilan mo—hey!" nagulat siya nang tumayo si Rome saka binuhat siya na parang bagong kasal. "Baba mo 'ko."

"Mamaya," ani Rome saka naglakad.

"Manang—" tawag ni Cheche nang pumasok pero natigilan sa nakita. "Ano ho ang nangyari?"

"Ahm. . . " napakagat sa ibabang labi si Ariane sabay siko sa asawa para humingi ng saklolo.

"Masama ang pakiramdam niya, nahilo kaya hindi nya kayang maglakad," sagot ni Rome.

"Anong nangyari, Ariane?" nag-aalalang tanong ni Gladys.

"K—Konting hilo lang po kaya gusto ko na po munang mahiga sa kwarto," sagot ni Ariane na hindi pa rin binababa ng asawa.

"Sigaw ka kasi nang sigaw!" sabi ni Gladys. "Dalhin mo na nga 'yan sa kwarto, Rome. Magpa-checkup ka na nga."

Maid In Italy (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon