Unedited...
"Bakit ako na naman?" gigil na tanong ni Ariane. Isang araw pa lang pero ang dami nang ganap. Feeling niya isang buwan na siyang nagtatrabaho sa mansion na 'to. Bakit ang mga kasama, hayahay lang? Oo nga pala, si Ariane siya kaya binu-bully siya nitong boss niya na para bang lahat ng kasalanan ay sya ang may gawa.
Tiningnan niya sa wall kung saan banda ang kwarto ni Rome pero biglang bumukas ang study room at iniluwa ang binata.
"May hinahanap ka?"
"Kwarto mo," sagot niya na kulang na lang ay irapan ang binata.
"Come," ani Rome saka naunang naglakad pero nang maramdamang hindi nakasunod si Ariane ay lumingon siya. "Sasama ka ba o hindi, Miss Famorcan?"
Walang pasabing sumunod ang dalaga.
Pagkapasok ng kwarto, nakita niya ang tatlong maletang nasa tabi ng kama ng binata. Nahiya naman siya sa laki ng kwarto nito na mas malaki pa kaysa sa buong unit nya noon.
May malaking sofa, malaking TV, ref at ang kama ay ang lapad at tila malambot higaan. May mga paintings din ng sikat na pintor.
"Lahat ba 'yan ay i-unpack ko?" tanong niya.
"Yes. Ibalik mo na lang sa kung saan 'yan galing," sagot ng binata. "Feel at home. Kapag nagutom ka, may prutas sa mesa. May chocolates and juices sa ref."
"Thanks, pwede mo na akong iwan," sabi niya dahil naaasiwa sa presensya ng binata. Pinahiga niya ang kulay puting maleta at binuksan. Ang daming laman nito na kung ano-ano. Sapatos, damit at mga supot.
"Okay," ani Rome saka pumasok sa isang pinto. Narinig ni Ariane ang paglagaslas ng tubig kaya malamang, naliligo ito.
Nagsimula na siyang kunin ang mga damit pero hindi niya alam kung saan ilalagay kaya binuksan niya ang malaking cabinet na mga damit ang laman. Ang iba ay may price pa kaya hindi niya alam kung saan ilagay.
"Saan ko ba 'to ilagay?" malakas na tanong niya pero hindi siya naririnig ng binata kaya hinulaan na lang niya sa kung saan. Ang tshirt ay para sa tshirt. Nahirapan pa siya sa pantalon dahil paiba-iba ang lagayan. Ang iba ay according sa brand kaya kailangan pa niyang tingnan at hanapin kung saan ito belong. "Ang dami naman!" inis na bulong niya dahil hindi pa siya nangangalahati.
Bumukas ang pinto at lumabas si Rome na nakatapis lang ng tuwalya at topless kaya hindi niya naiwas ang mga matang napasulyap sa malapad na dibdib nito.
"Are you done?" tanong ni Rome kaya tila napukaw ang diwa ng dalaga.
"Hindi ko alam kung saan ko ilalagay 'to!" sagot niya at napaupo saka itinuon ang tingin sa mga damit na nasa maleta. "Kung may mali man ako, pagpasensyahan mo na."
"You should pay the price," ani Rome saka lumapit sa kanya at tumayo sa harapan niya. Napatingala si Ariane pero agad ding yumuko dahil baka kung ano pa ang masilip niya sa binata.
"Wala akong pera," sabi niya. "Ginagawa ko lang ang trabaho ko, señorito." Kinuha niya ang dalawang tshirt saka tumayo para ilagay sa cabinet. "Dito 'to, ano?"
Pagtalikod niya para bumalik, hindi na siya makagakaw dahil nasa harapan na niya si Rome.
"Padaan," mahinang sabi niya pero hindi umaalis ang binata. "May kailangan ka?" Kahit na matangkad siya, nagmumukha pa rin siyang pandak kapag itapat dito.
"Kapag ba sabihin ko ang kailangan ko, ibibigay mo?" tanong ni Rome na nakatitig sa magandang mukha ng dalaga.
"Sa iba mo hanapin," sabi ni Ariane na hindi na makontrol ang pagbilis ng pagtibok ng kanyang puso lalo na't sobrang bango ng kaharap. Syempre bagong ligo kaya amoy shower gel.
BINABASA MO ANG
Maid In Italy (R-18)
RomancePangarap niyang yumaman kaya iniwan ang bansang sinilangan para makipagsapalaran sa Europa. Ang hindi alam ng karamihan, isa siyang katulong sa Italya. Walang nakakakita sa mukha ng boss niya maliban sa kanilang mga katulong sa bahay. Maingay ang pa...