Author's note.
Maraming salamat po🥰
Unedited..
Flashback....
"Hi," bati ni Ariane kay Rome na nakaupo sa isang tabi. Nawawala ito at hindi na niya alam kung saan pupunta kaya naupo na lang siya sa isang tabi. "Sin-o upod mo?"
"Hindi kita maiintindihan," sagot ni Rome.
"Ah, tagalog ka pala," ani Ariane saka naupo sa tabi ng batang lalaki. "Sino ang kasama mo?" Pero hindi sumasagot si Rome. Hindi naman kasi siya sanay makipag-usap sa kahit na sino.
Umuwi sila ngayon sa Pilipinas kasama ang pamilya pero mas pinili niyang sumama sa ninong kaysa dumiretso sa pamilya sa Maynila. At least dito, walang manghuhusga sa kanya. Unlike sa pamilya nila na kahit paano, may mga pinsan pa rin siyang sarado ang utak sa estado ng mga magulang nila. Kadalasan ay ginagawa pa silang katatawan at naging sentro ng tuksuhan.
"Gwapo ka sana pero ang suplado mo!" inis na sabi ni Ariane kaya napatingin si Rome sa kanya. "Hindi ka sasagot?"
"Ninong ko," sagot ni Rome at napahawak sa tiyan.
"Nagugutom ka na, ano?" ani Ariane nang marinig ang pagtunog ng tiyan ni Rome.
"H—Hindi ah," tanggi ni Rome kahit na kanina pa siya nagugutom. Hindi siya nag-breakfast kanina at wala pa siyang dalang pera. Nag-CR lang siya sa palengke pero paglabas niya ay hindi na niya nakita ang katulong ng ninong dahil ibang direction ang nalabasan niya. Kanina pa siya naglalakad hanggang sa makarating nga rito sa mataong lugar malapit lang din sa palengke.
"Tara, kain tayo," yaya ni Ariane.
"Wala akong pera," ani Rome.
"Libre ko na kasi nakikita mo ang lugawan na 'yan?" turo ni Ariane. "Sa amin 'yan kaya tara na."
Napilitang sumama si Rome sa loob ng kusina. Sumandok si Ariane saka binigyan si Rome.
"Ano 'to?" nagtatakang tanong ni Rome.
"Arroz caldo 'yan, sikat 'yan dito sa amin," sagot ni Ariane. "Tikman mo na kasi kung nagugutom ka."
"Salamat," pasalamat ni Rome saka kumain na.
"Masarap?"
"O—Oo," nahihiyang sagot ni Rome at muling sinulyapan si Ariane. Ang ganda nito lalo na't may pagkainosente ang mukha.
"Pogi mo naman," sabi ni Ariane. "Crush na kita."
"Salamat ha," pasalamat ni Rome na naubos ang lugaw.
"Walang anuman. Siguro marami kang girlfriend, ano? Kasi gwapo ka."
"Wala ah," ani Rome. "Ikaw siguro maraming boyfriend."
"Wala ah. Bata ko pa, noh."
"Ako na lang ang boyfriend mo," sabi ni Rome kaya napatitig si Ariane sa mukha ng kaharap.
"Sure!" pagpayag ni Ariane.
"T—Talaga?"
"Oo naman. Pogi mo pero basta maghintay ka hanggang sa paglaki ko," sagot ni Ariane pero syempre alam niyang bata pa siya. Isa pa, marami namang bata ang nagbibiro sa kanya at iyon na lang din ang sagot niya eh.
"Maghihintay ako basta 'wag kang mahanap ng iba," sagot ni Rome. Ngumiti si Ariane kaya iniwas ni Rome ang tingin. "Ano ba ang pangarap mo?"
"Pangarap ko? Gusto kong maging sikat na modelo kagaya ni Kendall Jenner," sagot ni Ariane. "Parang barbie lang na binibihisan ng damit at nagmo-model. Ganda kaya nun, libre na ang damit kaso mahirap lang kami. Ikaw ba? Ano ang gusto mo?" baliktanong ni Ariane.
BINABASA MO ANG
Maid In Italy (R-18)
RomancePangarap niyang yumaman kaya iniwan ang bansang sinilangan para makipagsapalaran sa Europa. Ang hindi alam ng karamihan, isa siyang katulong sa Italya. Walang nakakakita sa mukha ng boss niya maliban sa kanilang mga katulong sa bahay. Maingay ang pa...