Unedited...
"Nay, pasalubong ko po," sabi ni Rome sabay bigay ng box sa ina ni Ariane.
"Nako, nag-abala ka pa," sabi ni Gladys na kahit sya, hindi makapaniwala na ganito kagwapo ang napangasawa ng anak. Marami namang nanliligaw noon kay Ariane bago pa naging sila ni Edgar pero itong nasa harapan niya ang naoakagwapo.
"Walang anuman po. Pasensya na ho kayo kung hindi ako nakapaghanda. Biglaan lang kasi ang pagsunod ko sa anak ninyo," paumanhin ni Rome. "Cheche, ito pala ang sa 'yo. Congratulations sa pagkapasa sa board exam."
"Salamat, Kuya," pasalamat ni Cheche na nanlaki ang mga mata nang makita ang gintong kwentas na bigay ni Rome. "Hala, ang ganda po. Thank you, Kuya!"
"Hijo, hindi ka ba malulugi nito? Mukhang mamahalin itong bigay mo," sabi ni Gladys dahil kwintas din at hikaw ang bigay sa kanya ni Rome.
"Hindi naman ho. Masaya po ako na ibigay 'yan sa inyo," sabi ni Rome.
"Tanggapin nyo na, 'nay," sabi ni Ariane dahil alam niyang matagal nang gusto ng ina na magkaroon ng alahas kahit hindi pa nito sabihin.
"Salamat talaga pero kahit wala kang ibigay sa amin basta mahalin mo lang ang anak ko, masaya na ako at tatanggapin kita," sabi ni Gladys.
Hinawakan ni Rome ang kamay ng asawa. "Mahal ko po si Ariane at pangako, magiging mabuting asawa't ama ako."
"Sure ka ba talaga?" nagdududang tanong ni Gladys. "Ang gwapo mo at yaman pa para sa anak ko."
"Maganda naman ho ang anak ninyo kaya bagay kami," nakangiting sabi ni Rome sabay akbay kay Ariane. "Isa pa, bubuo na ho kami ng pamilya kaya makakaasa ka pong aalagaan ko ang anak ninyo."
"Matanda na ako. Alam kong darating ang araw na magkakaroon ng sariling pamilya ang mga anak ko kaya masaya ako kapag nasa tamang tao sila. Alam mo naman siguro na niloko na 'yan si Ariane ng dati niyang kasintahan at ayaw kong mangyari ulit iyon lalo na sa sitwasyon ninyo dahil may anak na kayo," ani Gladys sabay tingin sa anak. Makikita niya ang kasiyahan sa mga mata nito habang nakatingin sa asawa.
"Nay, hindi magloko si Rome," pagtatanggol ni Ariane sa asawa.
"Talaga, manang?" sabat ni Cheche. "Parang kanina lang sinabi mong single parent ka na ah."
"Hoy!" saway ni Ariane sabay pandilat sa kapatid.
"Single parent?" ulit ni Rome sabay tingin sa asawa. "Paanong single parent ka?"
"Ahm... wala. Joke lang 'yun," sabi ni Ariane.
"Sus, kuya, nag-overthink po si Buntis kasi hindi ka nagre-reply," sumbong ni Cheche.
"Uy, hindi ah. 'Wag kang maniwala kay Cheche!" aniya.
Hinawakan siya ni Rome sa magkabilang balikat.
"Talagang naisip mo na magloloko ako?" hindi makapaniwalang tanong ni Rome.
"Hindi— haist! Hindi ka kasi nagre-reply. Malay ko ba kung ano na ang pinaggagawa mo tapos sabi ni Jack bumalik ka pa sa Milan," depensa niya.
"Surprise nga at wala talagang signal," sabi ni Rome saka piningot ang ilong ng asawa. "To talagang buntis."
"Si Cheche sumbongera!" nakalabing sabi ni Ariane.
"Oh siya, magluluto lang ako ng dinner natin," paalam ni Gladys.
"Samahan na kita, 'nay," sabi ni Cheche at sumunod sa ina.
"Pag pasensyahan mo na ang bahay namin," paumanhin ni Ariane dahil kasinglaki lang ng kwarto nito ang buong bahay nila.
BINABASA MO ANG
Maid In Italy (R-18)
RomancePangarap niyang yumaman kaya iniwan ang bansang sinilangan para makipagsapalaran sa Europa. Ang hindi alam ng karamihan, isa siyang katulong sa Italya. Walang nakakakita sa mukha ng boss niya maliban sa kanilang mga katulong sa bahay. Maingay ang pa...