Unedited....
"Heto na ang kape."
"You didn't ask me kung ano ang gusto ko," sabi ni Rome saka kinuha ang tasa at humigop ng kape.
"Nakalimutan ko, señorito kaya nanghula na lang ako," sagot niya. "Anyways, may gatas naman at asukal, ikaw na ho ang bahala kung lagyan mo o hindi."
"You've already put one," sabi ni Rome.
Nalagyan na nga ni Ariane ng isang gatas at isang kape. Optional na lang ang dalawang gatas at isang sachet ng asukal ang nilagay niya.
"Kung hindi mo gusto, magtitimpla ulit ako," sabi niya na sinusubukang maging kalmado.
"It's okay. Nainom ko na," ani Rome. "I want Kare-kare."
"Sabihin ko kina Edralyn at Mary."
"Hindi ka ba marunong magluto?"
Naikuyom ni Ariane ang kamao. Sinasagad nito ang pasensya niya pero again, kailangan niya ng pera.
"Hindi ho cook ang in-apply-an ko rito, señorito."
"Maid, right?"
"Yes."
"Hindi ba't kapag maid ay kasali na ang pagluluto sa trabaho mo?"
"Wala sa kontrata ko," sagot niya.
"Nasa kontrata mo na gawin ang house chores," giit ni Rome.
"Pero may kani-kanya kaming trabaho at hindi kasali sa akin ang pagluluto."
"I am the boss kaya ako pa rin ang magsasabi kung ano ang gagawin mo."
"Hindi ako masarap magluto. Ni hindi mo nga naubos ang lugaw na gawa ko kahapon," sabi niya na may sama ng loob.
"Cook and I will decide," ani Rome.
"I'll try pero sinasabi ko na sa 'yo, señorito, hindi talaga masarap ang luto ko," sabi niya.
"Wala ka pang inihain sa akin," ani Rome saka muling humigop ng kape.
"Nakakainis!" bulong niya at tinitigan nang masama ang kaharap.
"Hindi nakakamatay ang titig mo kaya lumabas ka na, Ariane," sabi ni Rome kaya hindi nakasagot ang dalaga. Paano nito nalaman na masama ang tingin niya? May third eye ba ito?
"Subukan ko pong magluto ng kare-kare," pagpakumbabang sabi niya saka lumabas at tumungo sa kusina.
"Oh? Pinagalitan ka ba niya?" tanong ni Tiya Pandora.
"Tiya, pinagluluto niya ako ng kare-kare," naiiyak na sabi niya.
"Ha? Bakit daw?" tanong ni Tiya Pandora. Never pang nag-request ng kare-kare si Rome sa cook nila maliban sa kanya dahil hindi nila nakukuha ang panlasa ng amo.
"Specialty ni señorito ang kare-kare," sabi ni Tiya Pandora. "Mas masarap pa siyang magluto sa akin. Noong una, nagpapaturo pa siya sa akin pero nang tumagal, mas nakukuha na niya ang tamang timpla kaysa akin."
"At sa lahat ng ulam, iyan ang hindi ko kayang lutuin," sabi ni Ariane. She can cook everything naman except sa kare-kare. Sinubukan niyang magluto pero bagsak talaga siya na kahit sya ay hindi niya gusto ang lasa.
"Hayaan mo, tutulungan kita," sabi ni Tiya Pandora at inilabas ang lahat ng gagamitin.
Biglang tumunog ang dalang cellphone ni Tiya Pandora kaya napatingin siya rito. Ang study room ang nagri-ring ng bell.
BINABASA MO ANG
Maid In Italy (R-18)
RomancePangarap niyang yumaman kaya iniwan ang bansang sinilangan para makipagsapalaran sa Europa. Ang hindi alam ng karamihan, isa siyang katulong sa Italya. Walang nakakakita sa mukha ng boss niya maliban sa kanilang mga katulong sa bahay. Maingay ang pa...