17

6.5K 292 43
                                    


Ay, may sinusulat pa pala ako. Kasalanan to ng PBB eh😂









Unedited...


Binusog ng magagandang tanawin ang mga mata ng dalaga habang nakasakay sila sa taxi boat patungo sa hotel na pagdarausan ng fashion show. Ito ang magiging last show raw ni Rome kaya evening gowns ang ipapakita nito.

"Maganda ba?" tanong ni Rome saka inakbayan ang dalaga.

"Yes," sagot niya habang nakatingin sa malalaking buildings na nadadaanan ng bangka. Marami rin silang nakakasalubong na bangkang puno ng tao dahil ito ang nagsisilbing bus sa kanila. "Matalino lang din talaga ang tao, ano? Nakagawa sila ng ganito sa kabila ng pag-apaw ng tubig."

"Mahilig ka ba sa books?" tanong ng binata.

"Hindi masyado. Why?"

"Mayroon silang Libreria Aqua dito sa Venice," sagot ni Rome. "Mga vintage books pero ang ikinaganda ay ginawa nilang bookshelf ang boat."

"Ay, bookstore siya?"

"Oo."

"Ay, sige. Punta tayo kapag may time ha. Gusto kong bilhan ng books si Cheche, mahilig yun."

"Sige," pagpayag ng binata. Madalas niyang nakikita si Cheche noon sa video call pero hindi siya pinapakita ni Ariane. Bago ito tatawag, pinapatahimik na siya nito pero minsan sinisilip niya ang kausap nito.  Ayaw raw nitong isipin ng pamilya na may kinakasama siya rito sa Italy.

Ilang minuto pa ay nadaong na sila. May mga sumalubong sa kanila at kinuha ang dalang gamit.

Malaki ang hotel na darausan ng show. Dinala sila ng mga kasama sa hotel nila.

"Same room na naman ba 'to?" tanong ni Ariane dahil ipinasok din nila ang maleta niyang dala.

"Kailangan ba nating mag-separate?"

"Hindi ka ba natatakot na baka may ibang papasok dito sa akin mamayang gabi kapag sa kabilang room ka matutulog?" biro ni Rome.

"Buhay mo 'yan," sabi ng dalaga saka pumasok nang nagsilabasan na ang dalawang lalaki. "Si Jack?'

"Bakit? Kailangan mo sa kanya?"

"Nagtatanong lang."

"Sa room niya, syempre. Alangan namang mang-istorbo siya sa atin."

"Wala ka talagang matinong sagot!"

"Wala ka rin namang matinong tanong," ani Rome saka binuksan ang cabinet. "Dito mo na ilagay ang mga damit mo tapos itong sa kabila naman ang akin."

Lumapit si Ariane sa bintana para silipin ang labas.

"Oh, my gosh! Ang ganda!" bulong niya nang makita ang mga nagbabangka. Venice canal na pala ang likod ng hotel kaya kitang-kita nila ang magandang view. Napatingin siya sa kamay na pumulupot sa bewang niya.

"Ilang beses na akong nakabalik dito pero ngayon ko lang na-appreciate ang ganda nito," bulong ng binata sabay halik sa pisngi ni Ariane. "Do you know how happy I am?"

"Firstime ko rito kaya sobrang na-appreciate ko," sabi niya at napabuntonghininga. Dati, sa Instagram at reels lang niya ito nakikita pero ngayon, nasisilayan na mismo ng kanyang mga mata.

"Sana sa lahat ng firstime mo, nandoon ako," sabi ng binata at dinikit ang pisngi sa pisngi ni Ariane. "Para ma-appreciate ko rin ang ganda ng mga nakikita mo."

"Mayaman ka kasi kaya para sa 'yo, ordinary na lang 'tong mga nasa paligid mo."

"Kaya nga gusto kong kasama ka para ang ordinary ay maging extraordinary sa mga mata ko," ani Rome kaya napayuko si Ariane. Hindi niya maintindihan si Rome. Naguguluhan siya sa ikinikilos nito. Natatakot siya na baka kapag maniwala siya, siya naman ang maiiwan sa bandang huli. Masyado itong mabait sa kanya to the point na nakapagdududa na. Inalis nya ang kamay ng binata saka lumayo sa bintana.

Maid In Italy (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon