Before nyo basahin, don't forget follow me sha_sha0808 para sa mga next stories ko. Basahin nyo rin ibang stories ng series na 'to. Mwuah.
Again, salamat sa suporta mula sypnosis hanggang isulat ko ang "WAKAS". Salamat sa tiwala at suporta. I love you all.
Unedited...
"Congrats!" masiglang bati ni Cheche nang bumaba sa entablado ang mag-asawa matapos ipakilala ang designer ng maternity dress. Syempre si Ariane ang highlight nitong fashion show sa Milan.
"Thank you, Cheche," pasalamat ni Ariane saka niyakap ang ina't kapatid.
"Ganda talaga ng buntis," puri ni Cheche na sobrang natuwa dahil firstime niyang makapanood live ng ganitong show kaya naiiyak siya lalo na't ate pa niya ang pinapanood niya.
"Ang gaganda ninyong mga buntis," puri ni Gladys. Kahit na buntis ang mga model, lumalabas pa rin ang alindog nila.
"Syempre, mana ako sa 'yo, 'nay," sabi ni Ariane na labis ang kasiyahan. Ito ang pangarap niya noon, ang makasama ang pamilya habang nagrarampa siya rito sa Milan pero mas higit pa pala ang ibibigay ni Lord sa kanya dahil asawa niya ang designer at higit sa lahat, buntis siya sa anak nila.
"Hi, guys," bati ni Rome nang lapitan sila at inakbayan niya ang asawa. "Nag-enjoy ba kayo? I hope you like it."
"Sobrang ganda ng mga gawa mo, kuya. As in! At ang gaganda ng models mo lalo na si Manang!" sabi ni Cheche.
"Ang yayaman ng mga nandito," bulong ni Gladys. Nalulula siya sa presyo ng mga designs ni Rome lalo na't sold-out agad ang damit.
"Mabuti naman ho at nagustuhan ninyo. Tara na ho, dinner na tayo," yaya ni Rome. Habang pinagmasdan niyang nagbibihis si Ariane araw-araw, na-inspired siyang gumawa ng maternity dress kaya heto, ipinarampa na niya sa Runway kasama ang modelong buntis at ang kita nila rito ay diretso na agad sa savings ng mga anak.
"Oo naman po. Sobrang galing mo kuya at ng imahinasyon mo," sabi ni Cheche.
"Salamat sa ate mo na nagbigay ng inspirasyon sa akin at nagmulat kung ano ba talaga ang gusto ko sa buhay," pasalamat ni Rome.
Dumiretso sila sa isang hotel na pina-reserve nila.
"Surprise!" pasigaw na sabi ni Madrid nang pumasok sila.
"Mom!" ani Rome na agad lumapit sa ina at niyakap ito. Nandito rin ang kapatid niyang galing pa ng Switzerland kasama ang pamilya nito.
"Congrats, hijo," bati ni Angela saka niyakap ang anak.
"Thank you po, mommy," pasalamat niya saka niyakap din ang ama.
"I'm so proud of you, son!" proud na sabi ni Dust.
"Thanks, dad."
Ipinakilala niya sina Gladys at Cheche sa pamilya. Sa una ay nailang pa ang dalawa pero habang tumatagal sila sa hapag-kainan, paunti-unting gumagaan ang pakiramdam nila dahil hindi mahirap pakisamahan ang mga ito. Ni hindi nila ipinaramdam na magkaiba sila ng estado sa buhay.
"Hindi ko alam yung tungkol sa first girlfriend ni Kuya. Oh my gosh!" hindi makapaniwalang sabi ni Madrid nang aminin ni Rome sa kanila ang totoo. "For real, kuya?"
"Nakwento ko na," ani Rome.
"Kaya nga," nakangiting sabi ni Angela. Masaya siya ngayong nag-open up na si Rome at kita namang nanumbalik na ang dating sigla nito dahil kay Ariane.
"Alam mo, mommy?" bulalas ni Madrid. "Bakit hindi mo sinabi?"
"Hindi ko naman buhay 'yun," ani Angela.
BINABASA MO ANG
Maid In Italy (R-18)
RomancePangarap niyang yumaman kaya iniwan ang bansang sinilangan para makipagsapalaran sa Europa. Ang hindi alam ng karamihan, isa siyang katulong sa Italya. Walang nakakakita sa mukha ng boss niya maliban sa kanilang mga katulong sa bahay. Maingay ang pa...