23

6.1K 319 50
                                    








Unedited...





"Masarap ka palang magluto ng lugaw," puri ni Madrid habang pinapakain ang mga anak ng gawang lugaw ni Ariane. Pagkatapos nilang mag-swimming, nagluto ng lugaw ang dalaga dahil sumasakit pa raw ang ulo ni Korina. Saktong bumaba sina Madrid at Kency kaya nakikain na rin sila.

"Oo nga, masarap ang luto mo, friend," pagsang-ayon ni Korina.

"Nagluluto ka talaga?" tanong ni Madrid. "Gusto ko ring matuto. Turuan mo 'ko ha."

"Salamat po. Tinuruan lang din ako ng mga magulang ko," sagot niya.

"Uy, akin na lang 'to ha," sabi ni Madrid at inubos ang lugaw. "Lugaw rin ba tawag nito sa inyo?"

"Arroz caldo ang tawag sa amin sa Iloilo," sagot ng dalaga. "Yung lugaw kasi sa amin ay ginataang bilo-bilo 'yun."

"Ay, ganun ba," ani Madrid. "Depende rin pala sa province, no? Gaya sa Ilocos, yung utong nila eh, sitaw sa tagalog."

"Ay, utong ba?" natatawang sabat ni Kency.

"Oo kasi may mga pinsan akong Ilocano, taga Nueva Vizcaya. Yung team crayons mga ilokano kaya sila," sagot ni Madrid.

"Si Elias?" tanong ni Rome nang lumapit sa kanila.

"Wala ba sa taas?" tanong ni Madrid.

"Hindi ko alam," sagot ni Rome at naupo sa tabi ni Ariane.

"Di ba favorite mo ang lugaw, kuya?" tanong ni Madrid. "Kaso wala na. Naubos ko na eh. Sorry."

"It's okay," sagot ni Rome saka kinuha ang bowl ni Ariane saka kinain ang natirang arroz caldo nito. Napatingin silang lahat kay Rome. Kahit si Ariane ay nagulat din sa ginawa ng binata kaya pasimpleng inapakan niya ang paa ng binata. Tumingin ito sa kanya.

"What? Gusto mo pa ba o sa 'kin na 'to lahat?" tanong ni Rome saka ipinagpatuloy ang pagkain.

"Kuya, bonfire tayo mamaya sa garden," sabi ni Madrid. "Matagal na nating hindi nagawa iyon nina Ate Kency."

"Boring," sabi ni Rome.

"Uy, di ba ikaw naman ang palaging may gusto na mag-bonfire tayo? Pinipilit mo pa nga si Ate Kency na mag-sleepover dito para lang mag-bonfire eh," tukso ni Madrid.

"Noon 'yun, nag-iba na ako ng gusto ngayon," sagot ni Rome at hinawakan ang kanang kamay ni Ariane sa ilalim ng mesa pero agad na hinila ng dalaga.

"Pwede mo pa namang magustuhan ulit kung uulitin natin," ani Madrid. "Sige na."

"Pwede naman," ani Rome. "Basta kasali ang lahat pati katulong natin."

"Oo naman," ani Madrid. "Para masaya. Sagot ko na ang drinks."

"Pass ako sa drinks, señorita," agad na sagot ni Mary kaya natawa si Madrid.

"Ako rin ho, di pa ako nakabawi sa hangover," segunda ni Korina.

"Softdrinks and food," sabi ni Madrid.

"Ay, sure po," agad na sabi ni Mary.

"Mag-order na lang ako, wag na kayong magluto," sabi ni Madrid.

"Gusto mo pa ng lugaw?" mahinang tanong ni Rome.

"Busog na 'ko, señorito," sagot ni Ariane.

"Masarap. Luto mo 'ko bukas ha," ani Rome. Tumango si Ariane saka tumayo at kinuha ang plato ng mga tapos nang kumain at dinala sa kusina para makaiwas sa kanila. Hindi niya alam kung anong nasa utak ng binata pero napapansin niya ang pagiging agresibo nito.

Maid In Italy (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon