Happy birthday sa lahat ng may birthday.
Unedited...
"Kyaaaah! Ate Ariane!" tili ni Madrid habang papasok sa mansion at nang makita si Ariane ay niyakap ito. "Congrats! May pamangkin na ako kay Kuya Rome!"
"Hey, wag ka ngang talon nang talon!" saway ni Rome sabay hiwalay kay Ariane sa kapatid.
"Grabe ka naman, kuya."
"Maselan si Ariane kaya bawal pa siyang mapagod at ma-stress," ani Rome na inunahan na ang kapatid. "Kapag stress ang dala mo, ako mismo magmamaneho ng chopper para ibalik ka sa asawa mo."
"To naman," nakalabing sabi ni Madrid at bumalik sa mga magulang. "Daddy si Kuya oh."
"Tigilan na ninyo. Kayong dalawa, matatanda na kayo ha," saway ni Dust.
"Magandang araw ho," magalang na bati ni Ariane sa kakarating lang na magulang ni Rome. Ang lakas ng kalabog ng dibdib niya dahil sa kaba. Heto na naman siya, balik sa umpisa na magpakilala.
"Hello, Ariane. Finally nakita ka na rin namin," sabi ni Angela at nakipagbeso-beso sa dalaga. "Kaya naman pala nahumaling si Trevi dahil ang ganda mo."
"H—Hindi naman ho," sabi ni Ariane. "Pero salamat po."
"Maganda ka lalo na't wala ka pang makeup niyan," sabi ni Angela. Ito talaga ang gusto niya sa mga babae na magustuhan ng kapamilya, walang eme sa mukha kaya litaw ang ganda.
"Ready na ho ang table kaya kumain na tayo," sabat ni Rome at napatingin kay Madrid. "Oh? Saan si Elias?"
"Nasa bahay, bakit?" sagot ni Madrid na tinaasan ng kilay ang kapatid.
"Iniwan mo ang anak mo sa kanya tapos ikaw gala ka lang nang gala? Aba, ayos ah!" ani Rome.
"Tse! Maglu-lunch lang ako tapos babalik din ako mamaya no."
"Babalik?" tanong ni Rome.
"Busy kami," sabi ni Madrid.
"Kayo, mommy?" tanong ni Rome.
"Sabay na kaming uuwi mamaya dahil may aasikasuhin ang daddy mo sa Madrid," sagot ni Angela.
"What? Pumunta lang kayo rito sa Italy para mag-lunch?" hindi makapaniwalang tanong ni Rome. Akala ba naman niya magtagal ang mga magulang dito dahil iyon ang usapan nila.
"May emergency meeting kami at ang dami kong asikasuhin sa Madrid," sabi ni Dust saka naupo nang makarating sa dining room.
Hinila ni Rome ang isang silya at pinaupo si Ariane saka naupo sa tabi nito.
"Gusto lang naming makita si Ariane," nakangiting sabi ni Angela. "Ngayong week lang kami available pero kapag may time, pupuntahan namin kayo. O kayo na lang ang pumunta sa Madrid."
"Busy ako," sagot ni Rome.
"See? Ikaw rin nga busy," ani Madrid. "Ate, kain ka nang marami ha. May mga pasalubong kami sa 'yo. Medyo malaki na rin ang tiyan mo, ano? Baka kambal 'yan."
"Kahit ano," nakangiting sabi ni Ariane sabay haplos sa sinapupunan. Tanggap naman niya kahit ano pa ang ibigay sa kanila ni Lord pero wag naman sanang kambal dahil baka hindi niya kakayanin. Sabi nila may lahing kambal daw ang mga Villafuerte kaya natakot siya. Hirap kayang magkaanak ng kambal. Isa pa nga lang mukhang mahirapan na siya.
"Ate may dala kaming fresh buko juice at manggang hilaw," sabi ni Madrid.
"Talaga? Hala, salamat!" lumiwanag ang mukhang wika ni Ariane.
BINABASA MO ANG
Maid In Italy (R-18)
RomancePangarap niyang yumaman kaya iniwan ang bansang sinilangan para makipagsapalaran sa Europa. Ang hindi alam ng karamihan, isa siyang katulong sa Italya. Walang nakakakita sa mukha ng boss niya maliban sa kanilang mga katulong sa bahay. Maingay ang pa...