Chapter 2: Ang Lihim ng Kapangyarihan

0 0 0
                                    

Amara's POV

Kinabukasan, ang unang klase ay tungkol sa Basic Elemental Magic. Ang bawat estudyante sa akademya ay kinakailangang magsimula dito, kahit pa ikaw ay galing sa isang kaharian na may natatanging kapangyarihan. Ito raw ay para sa tamang pundasyon ng aming pagsasanay. Pero para sa akin, ang elementong ito ay tila isang malaking hadlang. Hindi ko pa nga lubos na nauunawaan ang sarili kong kapangyarihan.

"Okay lang 'yan, Amara," bulong ni Presley habang kami ay nakaupo na sa aming mga upuan. "Hindi naman nila ine-expect na magaling agad tayo."

Ngumiti ako sa kanya, kahit na may halong kaba. "Sana nga," sagot ko. Sa totoo lang, hindi ko alam kung anong klaseng kapangyarihan ang meron ako. Simula pa noong bata ako, wala akong nakikitang senyales ng anumang kapangyarihan. Ngunit nang magpadala ang Royal of Shine Academy ng paanyaya sa akin, nagkaroon ako ng pag-asa.

Dumating si Professor Kael, isang mataas at seryosong lalaki na may mahabang buhok na kulay pilak. Ang kanyang presensya ay tila nagpapaandar ng mga elemento sa paligid, tulad ng hangin na biglang lumakas nang siya ay dumating.

"Ngayong araw, susubukan nating tuklasin ang inyong mga elementong kapangyarihan," malalim niyang sabi habang naglalakad sa harap ng klase. "Ang bawat isa sa inyo ay may likas na koneksyon sa apat na pangunahing elemento-apoy, tubig, lupa, at hangin. Ngayon, tutuklasin natin kung alin sa mga ito ang pinakamalapit sa inyong mga kaluluwa."

Isa-isa, tinawag ni Professor Kael ang mga estudyante. Karamihan sa kanila ay agad na nagpapakita ng kanilang mga kapangyarihan. Si Presley ay mabilis na nagpakita ng koneksyon sa tubig, nang bumaluktot ang tubig mula sa isang mangkok at sumunod sa kanyang mga galaw. Nakita kong kumislap ang kanyang mga mata habang ginagawa iyon tuwang-tuwa siya.

 THE ROYAL OF SHINE ACADEMY   Where stories live. Discover now