Chapter 34: Ang Game ni Yukiro (Part 2)

4 0 0
                                    

Yukiro's POV

Napansin ko ang pag-aalinlangan sa mukha ni Amara habang hinihintay ng lahat ang kanyang sagot. Alam ko na malalim ang naging karanasan niya sa loob ng labirinto, at alam kong may mga bagay siyang itinatago. Pero hindi ko inakala na ganito kabigat ang tanong ko para sa kanya.

"Amara, ano na?" hinimok ko ulit, pero mas malumanay na ngayon. Ramdam ko rin ang tensyon sa hangin, at kahit ako ay hindi sigurado kung handa ba kaming marinig ang sagot niya.

Tahimik ang buong grupo. Lahat sila ay nakatingin kay Amara, naghihintay ng anumang salita. Si Wyatt, na laging tahimik at maingat, ay lalo pang naging seryoso, pero halata ang pagka-protektibo niya kay Amara. Alam kong hindi niya gusto ang larong ito, pero kung gusto naming makaalam ng mga sagot, kailangan naming magpatuloy.

"Okay..." nag-aalangan si Amara. "Sa loob ng labirinto... may nakita akong imahe—isang eksena mula sa nakaraan... tungkol sa aking pamilya."
Y
Napatingin ako kay Presley, na halatang nagulat din sa rebelasyon ni Amara. Alam kong malapit sila sa isa't isa, pero mukhang ni Presley ay hindi pa ito nasasabi sa kanya.

"Hindi ko pa ito nasabi sa kahit kanino," pagpapatuloy ni Amara, bumaba ang kanyang boses. "May mga sikreto ang pamilya ko na matagal nang itinatago, at sa loob ng labirinto, ipinaalala sa akin ang mga ito. Ang nakita ko ay maaaring makakaapekto hindi lang sa akin, kundi sa buong kaharian ng Twilight Sand."
_________________________________________
Y
Muling tumahimik ang paligid. Ang laro na dapat ay masaya at nakakaaliw, biglang nagkaroon ng seryosong tono. Ako mismo, hindi ko inakala na ang tanong ko ay magbubukas ng ganitong klaseng lihim.

"Anong klaseng sikreto?" biglang tanong ni Vaughn, na tila interesado na rin. Hindi ko alam kung paano siya naging interesado, pero halatang gusto rin niyang malaman ang totoo.

Huminga nang malalim si Amara bago magsalita. "Ang pamilya ko... may mga itinatagong kasunduan sa mga ibang kaharian na hindi ko pa ganap na nauunawaan. Pero isang bagay ang tiyak—may koneksyon ang mga kasunduang iyon sa kadilimang bumabalot sa Shine Academy ngayon."
Y
Napaigtad si Akiro at si Everett. Pareho silang naging alerto sa sinabi ni Amara. Alam nilang may malaking kinalaman ito sa mga kakaibang enerhiya na nararamdaman namin nitong mga nakaraang araw.

"Amara," sabi ni Presley, halos pabulong. "Bakit hindi mo sinabi sa akin?"

Napalunok si Amara. "Hindi ko pa sigurado kung paano ko ito sasabihin, Presley. Lahat ay sobrang gulo, at kailangan kong maunawaan muna kung ano talaga ang nakita ko."
4
Bago pa man lumalim ang usapan, nagpasya akong basagin ang tensyon. Hindi ko ginustong maging ganito kabigat ang laro. "Okay, okay," sabi ko, itinaas ang kamay ko, nagpapatawa ulit. "Mukhang napaka-seryoso na natin! Hindi ba tayo nandito para mag-relax? Baka masyado tayong madrama."

Ngunit sa totoo lang, ramdam ko rin ang bigat ng sinabi ni Amara. Kahit gaano ko pa subukang gawing magaan ang sitwasyon, hindi ko maikakaila na may mas malalim na problema ang nakaamba.

"Yukiro, hindi ito basta-bastang laro," seryosong sabi ni Wyatt. "Ang mga tanong mo ay nagbubukas ng mga bagay na dapat nating harapin, hindi lang para sa kasiyahan."

Alam kong tama siya, pero kailangan naming harapin ang katotohanan. Ito ang dahilan kung bakit ko sinimulan ang larong ito—para sa mga katotohanan. Gusto kong makita kung paano namin maipagtutulungan ang mga sagot sa mga tanong na ito.
_________________________________________

Tumayo ako nang mas maayos at ngumiti, bagaman ramdam ko rin ang tensyon. "Well, sino naman ang susunod?" tanong ko, ipinapasa ang atensyon sa ibang mga prinsipe at prinsesa. "Presley, truth or dare?"

 THE ROYAL OF SHINE ACADEMY   Where stories live. Discover now